yung lalaking tahimik, matalino at weird. sya si Josh.
kame ang mga 3rd year section 6 ng Holy Cross High School. mga magugulo, makukulit, madadaldal.. lahat na! nagsasama sama sa isang section :)
Ako nga pala si Kia.
Muse ng section6 ay grabe, ang gugulo ng mga kaklase ko. yung tipong sumsuko na yung mga teachers namin sa sobrang gulo. may mga nag aaway, nagsasapakan, nag paparinigan. ay nako! pambihirang section talaga kame. Pero hindi lahat magulo, Si Josh. yung classmate naming WEIRDO! hahaha. tahimik sya, palaging nasa isang sulok. nag babasa ng libro, nag sosoundtrip mag-isa ah basta! palaging mag isa yun, parang wla syang kaklase :D
Kawawa nga si Josh napagtitripan ng mga kaklase kong mga magugulo. tinatago yung bag nya, yung libro, nilalagyan ng mga kung ano-ano yung bag.HAHA. adik tlga tong mga kaklase ko. tawag nga sakanya eh GEEK madalang syang makipag usap saamin puro libro kausap nun e, naku. sya na tlga! top 1 sya palagi sa clase, grabe kaya pag exam lahat kme kapit tuko tatabi sakanya pra makakopya :D
isang araw...
yung mga classmates ko binully na naman si Josh. yung bag nya nilagay sa basurahan, ay grabe!!
** uy, sino naglagay ng bag ni Josh dito? kayo talga!! ang sama nyo. tigilan nyo na sya.
-- wow kia! pinagtatanggol talaga?
** hindi naman. wag kaseng ganun! ang sama nyo. wala naman syang ginagawang masama e, ang lakas nyo mangopya sakanya tapos ganyan kayo. kawawa naman sya.
--sorry na, oo sige ibabalik na namin sakanya.. :(
Kia: uy josh, ayan na yung bag mo oh. pagpasensyahan mo na sila.
Josh: sanay na ko e. salamat. :/
Kia: wala yun. sabihin mo saken pag inaaway ka nila ah? yang mga yan tlga! mga bully. bakit kase hindi ka mkipag bonding samen para d ka nila sabihang weird? kwawa ka naman lagi ka nilang pinag titripan,
Josh: Nahihiya ako e. wag nalang..
Kia: naku! wag ka mahiya. okay lang yan. mbabait naman kami e :) sama ka nalang samin ng mga friends ko.
Josh: salamat kia :)
Kia: woooooow!! NGAYON KA LANG NGUMITI NG GANYAN. cute mo pala e ^^
Josh: hindi namaaaan :/
------------------
JOSH'SS POV.
ang saya, pinansin ako ng matagal ko ng crush. ang bait ni KIA. kaya gustong gusto ko sya e. maganda na mabait pa. Niyaya nya akong sumama sa kanila ng mga friends nya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kinikilig ako na hindi ko maipaliwanag. grabe!! sino ba naman hindi matutuwa na pinansin ako ng napaka ganda naming MUSE? ang isang geek na studyanteng palaging binubully ng mga classmates :/ masaya talaga ako ^^
KIA'S POV.
ang cute pala ni josh pag nakangiti. ewan ko ba, nakaka awa sya kase palagi syang binubully ng mga classmates ko. ayoko naman ng ganun. mabait naman sya e kaya niyaya ko syang sumama sa barkada namin, para naman malibang sya. mababait naman kami e.
dumaan na ang mga araw na sumasama na samin si Josh, aun. masaya pla sya kasama. dati akala ko puro pagbabasa lang ng libro ang alam nya e. nagsimula na syangmaging madaldal, makwento, mang asar at hindi na talaga sya wierd ah. nagbago na si Josh. Naging close kami lalo, halos araw araw magkakasama kami e. tapos isang araw nung pasukan...
Josh ikaw ba yaaaaaaaan!?
nagtinginan lahat ng classmates namin. ibang iba ichura ni josh. yung dating palaging naka yuko, nakasalamin, mukang bunot yung buhok ngayon maporma na sya, naka wax na ang buhok nakangiting pumapasok ng classroom at ang lakas ng dating. lahat kami nagulat sa bagong aura ni Josh.