Chapter 32- Mga Katagang Nakasulat

148 7 3
                                    

Matapos kong nagawa ang bagay na pinagsisihan ko sa lahat, ay halos nawala ako nang tuluyan sa sarili ko. Sana nagfocus ako sa daanan habang hawak-hawak ang manibela. Halos kinalasan na talaga ako ng katinuan—at umabot sa puntong kinailangan na ni Andre angmagtyaga para makumbinsi ako na wala akong kasalanan sa nangyari. Alam ko na kahit si Andre, medyo natrauma rin noong gabing yon. Pero nasa akin ang pagsisisi. Ako ang dahilan...ako ang dahilan.

Sa katunayan nga, pinasama ko lang siya sa akin para magawa ko ang anuman na kailangang gawin—sa pagnanais na may makahanap nito at malaman ang kababuyan at pagiging hipokrito ni Paulo.

Tama na ang pagdadaan sa kanyang bahay at tumingin sa bintanang basag. Tama na ang umasa na may kasalan pang magaganap. Tinapon ko na ang lahat nang yon at 'di ko na pupulutin pa.

Ito ang nakasulat sa unang pahina ng diary na nahukay ko sa playground. At masasabi ko na malaki ang pinagkaiba nito do'n sa nauna. Dahil makikita rito ang mas detalyado na kwento mula kay Teresita.

At sa sumunod namang pahina ay ikinwento niya rito ang tungkol sa kanila ni Sameer. Dahil sa diary nito ay sumigla muli ang kalooban ko dahil alam ko na nasa mga daliri ko na ang ibang mga kasagutan na hinahanap-hanap ko nitong mga nakaraang araw. 

Pero siguro nga ay mas ikinabuti pa nga ang paghihiwalay namin ni Paulo. Dahil alam kong nasa tamang lugar na ako. Bukod pa roon ay may napansin na akong kakaiba sa kanya. Pero hindi ko inasahan na sisirain niya ang buhay ko para sa kababuyan niya.

Noong nag-hiwalay kami ni Paulo, doon ko nakilala si Sameer. Napakabait niya. Hindi nagtagal, at nakalimutan ko rin at nawalan nako ng pakialam sa kung ano ang aking natamo sa nakaraan—sa tulong niya.

Isa siyang Indian national, at devoted sa relihyon niyang 'Hinduism'. Pumunta lang siya ng Pilipinas para magtrabaho. At noong nakapalagayan na kami ng loob sa isa't isa ay sinabi niya sa akin na ako raw ang dahilan kung bakit nawala na ang kanyang home-sickness.

May naging asawa na rin umano si Sameer dito sa Pilipinas, pero naghiwalay din sila kalaunan sa 'di malamang dahilan. Akala ko nga noong una, ako ang pansalo sa kanya pero nakikita ko ang sincerity niya sa akin. Alam kong genuine ang pagkatao niya. Naging komportable ako kahit papaano, matapos ang bangungot na naranasan ko nitong mga nakaraang araw.

Bago ko pa lang nakilala si Sameer, pero okay lang yon. Siya ang naging refuge ko sa pananalasa ng matinding emosyon.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng diary na ito habang nasa kwarto ako. Ni hindi na nga ako dinalaw ng antok, sa kabila ng pagod ko kanina dahil invested na ako sa pagbabasa nito. Bukod pa roon ay nagkaroon na ak0o ng kakaunting insight tungkol sa pagkatao ni Sameer—kahit na hindi ko talaga nasisiguuro kung ito ang tunay niyang pagkatao.

Nu'ng medyo okay na ako, inimbitahan ako ni Sameer na magdinner. Syempre ay 'di ko na siya itinurn-down pa, dahil siya naman ang tumulong sa akin sa paggamot sa mga sugat ko.

Nagkita kami sa isang resto. Pagkadating ko doon ay naroon na siya. Nag-order na siya ng mga pagkain namin. Aniya, paborito niya raw ang steak kaya yon ang una niyang inorder. Napakasaya ng dinner na yon. Hindi kami naubusan ng kwento tungkol sa mga kaganapan sa buhay naming pareho. Kasama na rin dito ang mga plano para sa hinaharap at iba pa.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon