"EAT your breakfast." malamig na wika ni Tyrell.
Kagigising ko lang ngunit may nakahain na agad na almusal. Pero wala akong ganang kumain. Nanatili lang akong nakahiga. Wala paring damit ang aking katawan. Tanging kumot lamang ang nakatakip.
Pumasok sa ala ala ko ang nangyari sa kagabi. Sinaktan n'ya ko. Ni-rape n'ya ko. Nilukob ng galit ang aking puso. Paano n'ya nagagawang harapin ako sa kabila ng nagawa n'ya?
"Isusuplong kita!" sigaw ko. Nag umpisa na akong maiyak. "Saktan mo ako, pagsalitaan mo ako ng masasakit, pero tang ina sumusobra ka na nang gahasain mo ako!"
Humikbi ako. Hindi ko matanggap na ginawa niya iyon. Lumaban ako. Ayoko. Pero ginawa n'ya.
"It's your fault." tumingin s'ya sa akin. "Hindi mo ako maipapakulong. Malakas ang koneksyon ko." mayabang na wika n'ya.
Mas lalo akong naiyak. Bakit? Bakit ganito ang ugali n'ya?
"Ganito naman sa Pilipinas eh." dinuro ko s'ya. "Isa ka sa mga lalaking utak talangka! Mga walang kwenta! Hinding hindi ko magiging kasalanan kung bakit ako na-rape! Ang may kasalanan ay 'yong gumahasa, hindi ako na biktima!"
Nakayuko lamang s'ya. "Napaka bobo mo, Tyrell! Oo, hindi kita maipapakulong. Pero kakalimutan na kita. Sobra kong galit sayo! Galit na galit ako sayo!"
Humiga ako at nagtalukbong ng kumot. Umiiyak lang ako, hindi ko alam kung ilang oras na. Pero nasasaktan ako. Natapakan n'ya ang pagkababae ko. At bakit ganon ang pananaw n'ya sa buhay? Ang biktima pa talaga ang may kasalanan?
Nang sumilip ako a labas ng kumot, wala na si Tyrell. Mabilis akong nagtungo sa walk-in closet n'ya. Nanguha ako don ng malaking tshirt at panjama. Mabuti na lamang ay nandito pa ang bra ko. Nang makapag bihis, sumilip muna ko sa labas ng kwarto. Mukang naliligo si Tyrell wala siya dito.
Kahit na masakit ang aking katawan lalo na ang parte sa gitna ng aking hita, binilisan ko paring tumakbo at makaalis sa condo ni Tyrell.
Hinding hindi ko na s'ya kakausapin at lalapitan. Hinding hindi ko na s'ya papansinin.
Sapat na ang mga nagawa n'ya sakin. Ang mga magagandang nangyari samin, kalilimutan ko na.
Nang makababa ng condo, tumakbo ako kaagad paalis sa building. Kahit nakapaa lang ako wala akong pakielam, basta makaalis ako sa condo n'ya.
Malakas na busina ang narinig ko nang papatawid na ko. Halos himatayin ako sa kaba, akala ko ay mahahagip na ko. Bumaba ang lalaki na nakaitim at naka cap. Si Brent?
"Emerald!" tawag n'ya saka lumapit sa akin. "What happened to you?!" gulat na tanong n'ya.
"Brent.." hindi ko napigilan ang luha ko. "Ni-rape n'ya ko." don lang ako nakapag labas ng sama ng loob.
"What?!" namilog ang mga mata n'ya. Nilapitan n'ya ko at niyakap. "Shh.. I'm here, Emerald."
Sinama n'ya ko sa kanyang kotse at idadala pa sana ko sa ospital kaso tumanggi na ko. Nagpahatid na lamang ako sa bahay.
Nagpaiwan na ko don. Pumayag naman s'ya, binigay sa akin ni brent ang number n'ya in case na may mangyari.
Maghapon akong umiiyak. Bakit ganon ang ginawa ni Tyrell? Kabi-kabila ang mga nababalitaan ko na nagagahasa ngayong panahon na ito, kahit na lola, bata na walang kamuwang muwang at iilang kabataan. Mayroon pang nakakagimbal na binalatan ang kanyang magandang mukha.
Wala palang pinagkaiba si Tyrell. Hindi ko s'ya mapapatawad. Ang ginawa n'ya ay isang krimen. Kahit saan tignan, ang rape ay rape. Walang kahit anong rason.
Nanginginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko malalagutan na ko ng hininga sa sobrang bilis ng paghinga ko.
"Please.. Stop crying, love.. you're breaking my heart." isang mainit na kamay ang humaplos sa noo ko.
Sobrang takot akong napalayo.. Si Tyrell. Napayakap ako sa aking sarili. Umiyak ako ng umiyak hindi ko alam ang aking gagawin.
"L-Lumayo ka! Lumayo ka!" puno ng luha ang aking mga mata.
Nanlalabo na ang aking paningin. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa bahay ko. Pero wala akong pakielam. Natatakot ako sakanya.
Dahan dahan s'yang lumapit sa akin. Pilit akong sumisiksik sa pader. Ngunit wala nang space.
Hahawakan n'ya ko! Ayokong hawakan n'ya ko!
"Please... Wag..." sobrang garalgal ng boses ko. Nakita ko sakanyang mata ang sakit.
Lumuhod s'ya sa harap ko. Ako naman itong dumukdok sa aking tuhod at nag iiyak. Isang oras ata na ganon ang pwesto namin.
Ngunit hindi umalis si Tyrell. Nakatitig lamang s'ya sakin. Hindi n'ya rin mawari kung anong gagawin n'ya.
Naramdaman kong gumalaw s'ya nang tignan ko siya ay nasa side ko na s'ya. Nakasandal sa pader at nakatulala.
"Emerald.." tawag n'ya. Ngunit hindi ko siya kinibo. Patuloy lang ako sa panginginig at pag iyak.
"I.. I was wrong.. I'm sorry." tila nabingi ako sa sinabi n'ya. Nagmadali akong tumayo. Sumunod rin naman s'yang tumayo.
Dinuro ko s'ya. "Tang inang sorry 'yan! Ni-rape mo ko? Sinaktan mo ako? Binaboy mo ako? Sorry?! Sorry lang?" nanginginig ako sa galit.
"Kung sana 'yang sorry na 'yan, malilinis 'yong pagkatao ko, Kung sana 'yang sorry mo, magagamot lahat ng sugat na nararamdaman ko!" nilapitan ko s'ya at pinag sasampal.
Nakayuko lamang si Tyrell. Namula ang mga hampas ko sakanya.
"Nasaan ang hustisya kung 'yang sorry na 'yan ay sapat na?" napaupo ako sa kama. Tila nawalan ako ng lakas.
Umiling iling ako, "Kung sana 'yang sorry na 'yan, maiaalis 'yung takot, 'yung sakit, 'yung galit ng mga nabiktima ng panggagahasa."
Tinitigan ko s'ya. Hindi s'ya makatingin sa akin. "Ngayon sabihin mo, anong magagawa n'yang sorry mo na 'yan?"
Nakayuko s'yang lumapit sakin at lumuhod.
"I-I love you.." tumingin s'ya sa mga mata ko.
Ang malaking galit at takot ko kay Tyrell. Bigla na lamang nawala. Biglang nanlambot. Hindi dahil sinabi n'ya ang mga katagang iyon.
Kung hindi dahil ito ang unang beses na nakita ko s'yang.... umiiyak..
A/N: Vote, comment and follow meeee 😊 thank youuu 😊 And please, Let's pray for the victims of rape.
BINABASA MO ANG
A Deal With The Pervert
RomanceRated SPG (18+) "Lulubus lubusin ko na, mamamatay na rin lang ako.. Gagawin ko na lahat ng mga hindi ko pa nagagawa sa buhay ko."