Euclid Astral Gemini
"And this will be your classroom." Saad ng babaeng naatasang magikot saakin sa eskwelahan. Nagpasalamat naman ako dito bago s'ya umalis at tiningnan ang classroom na aking papasukan. Sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang makakapasok pa pala ako sa isang eskwelahan.
Inayos ko ang ribbon sa aking leeg bago pumanhik papaloob.
Nang makapasok ako ay hindi ko mapigilan ang mapatigil saaking lakad. Kilala ko silang apat na nasa loob ngunit bakit tila galit ang babaeng nakapuwesto sa harapan? Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin saakin na tila may ginawa akong isang kasalanan.
"At sino ka?" Mataray n'ya pang tanong. I was about to answer ng nauna nang sumagot si Loki.
"Euclid Astral Gemini ma'am. Please forgive her. Ngayon lang s'ya nakapasok sa isang eskwelahan." Now I don't know if he is trying to help or shame me. But I assure you, it didn't work. Sanay na naman akong kinukutya at kinakaawaan ng mga tao.
"Yah, so please get this over with. Wala pa akong alam sa mga nangyayari and it would be helpful kung sasabihin n'yo sakin kung bakit ba talaga ako naririto." Walang emosyon kong sabi. Yes, what Loki said didn't affect me. I'm just a little bit ticked on him. I now see him as the personification of evil itself.
"O-okay then." Napalunok nitong saad.
I looked around the room. Madami pa doong upuan ngunit walang mga nakaupo. So I just chose the seat on far left. Wala din naman akong balak makinig sa iba pang impormasyon bukod sa dahilan kung bakit nila ako dito dinala.
"Now Miss Stanovich, pwede na po kayong umalis." Kris said towards the woman. Napakunot naman ang noo nito. The lady was about to ask something ngunit napangunahan na s'ya. "My father has given me the authority to discuss something about her and her stay—for this day." Hindi na muling sumagot ang babae ngunit tumango na lamang. Tsaka umalis ng silid.
"Now, why am I here?" Nagtataka kong tanong at humalumbaba sa mesa. Umupo naman si Criz sa mesa sa harapan ko.
"You see, we are currently making a trial." May binigay s'ya saaking libro na agad kong tinanggap. Hindi man ako magaling magbasa ay medyo marunong naman ako. Lalo na dahil lumaki ako na laging nagbabasa ng job offerings.
Binuksan ko ang libro na may titulong 'Elven Knights' doon ay may mga nakapaloob na sinaunang mga sulat at batas. Ngunit ang mas nakakuha ng aking pansin ay ang mga katagang:
From the twelve was one,
And from one was two,
He who completes must due,
And find the outmost true.
In the back of my mind, alam kong pamilyar saakin ang mga salitang ito. Bakit nga ba hindi? It was from my most favorite song: Whispers of the Moon.
"You see Euclid, having that Gemini on your name, isn't just pure coincidence." Muli akong napalingon sa nagkikintabang mata ni Crescent. It was like the moon. Clear and pure. "There is a high chance na ikaw ang ku-kompleto sa kasalukuyang, Elra (Elven Round). Trabaho ko bilang prinsesa ng lugar na ito ang hanapin ang bawat isa sa mga Elven Knights. At kahit babae ka ay malakas ang pakiramdam kong ikaw ang kukompleto sa kanila. So please lend us a helping hand upang maibalik sa pagkabuhay ang dyosa ng buwan." napakunot naman ang noo ko. Kanina lamang ay binabanggit n'ya ang tungkol sa Elven Knights at ngayon naman ay tinutukoy n'ya ang kuwento ng dyosa ng buwan na si Luna.
"Ano naman ang koneksyon ng Elven Knights sa dyosang iyon?" I muttered in a pout. Well, I kind'a don't believe in gods and goddesses. I believe that there is only one God and under him are all other deities. So technically, parang may gods and goddesses padin but for me, they are only under my God, His Son and the Holy Spirit.
BINABASA MO ANG
The Elven Round (COMPLETED)
FantasyEuclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all the persons she once loved all disappeared. So she decided to build strong, strong walls. She decided to live her life as dust. Alone and unno...