LAHAT na yata ng mga inuming alak sa El Remedeo Bar ay natikman ko na ngayong gabi. Hindi ko na rin kayang buhatin ang sarili ko para makauwi sa bahay. Mayroon galit sa aking sarili nang makita ko si Mama sa poder ng pamilya ni Althea. Isa pa ay nakokonsensya ako dahil pumayag ako na panghimasukan ni Dad ang tahimik na buhay ng matalik kong kaibigan.
I hate this feeling.
Tinawagan ko si Red para sunduin ako ngunit busy pa raw siya. My traitor secretary na parehas pinagsisilbihan ang Teaodoro at Azores.
"Althea Gonzalez! How could you do this to me?" Aminado ako na marami ang binago ko sa aking sarili nang sa gano'n ay hindi ma-disappointed si Althea sa akin.
"Nagsisisi ka na ba dahil dinala mo siya sa bahay mo without any background check?" tinig ni Kuya Gabriel.
"Why are you here?" Taas-kilay ko sa kaniyang pagdating.
May inilapag siya sa lamesa ko na envelope.
"Tingnan mo para malaman mo!" May galit ang tono ng pananalita niya kaya't tiningnan ko kung ano ang laman ng envelope.
"Anak siya ni Mrs. Teodoro at napakalaki pala ng pakinabang sa kaniya ni Dad kaya hindi na siya kumontra sa ginawa mong pagpapatira sa babaeng iyan sa bahay mo!" gigil na sabi niya.
"Alam ko!"
"Alam mo tapos pumapayag ka pa rin na kontrolin ni Dad ang buhay mo?"
"Magkakaroon na kami ng anak!" derektang sabi ko pagkatapos ay inubos ko na ang aking iniinom na alak.
"She's lying!" sabi niya ngunit tinawanan ko lang siya.
"Tumigil ka na Kuya Gabriel! Kung gusto mong magkaroon pa rin ng shares sa Azores Corporation Company, huwag mong sirain ang buhay ko!" sabi ko at tila nahuhulasan na ako.
"Binabalaan lang kita Yohan! Ayokong mapunta sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan mo just because of that woman! She's using you!" diin pa na sabi niya.
"Anak ng bilyonaryong tao ang sinasabi mong ginagamit lang ako! Marahil marami siyang itinatago sa akin tungkol sa pagkatao niya ngunit alam kong hindi niya magagawang magsinungaling sa akin!"
"Hindi ba talaga? O ikaw ang nagsisinungaling sa kaniya?" Tiningnan ko siya ng tuwid sa sinabi niya. "Pinapaasa mo si Eunice sa mga plano mo na hindi ka naman nakasisiguro!"
May sinabi sa kaniya si Eunice.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Yohan! Pinaglalaruan mo lang ang mga tao sa palad mo!" Kinuha niya ang envelope at umalis siya.
Napuno ng galit ang dibdib ko kung kaya't nagwala ako. Binasag ko ang lahat ng mga boteng pinag inuman ko. Bawat bubog ay sumusugat sa aking daliri hanggang sa inawat na ako ng mga bouncers ng bar. Itinapon nila ako sa labas at dahil lasing na lasing ako ay hindi ko na magawang makalaban. Ngayon lang ako nalasing ng ganito. Ngayon lang pala nawasak ang poot at galit na nararamdaman ko sa aking sarili. Ngayon lang ako gumawa ng desisyon na tila pagsisisihan ko bandang huli.
"Yohan!" May umalalay sa akin para makatayo ako at isinakay sa aking kotse. Hindi ko namalayan kung sino ang nag-drive ng sasakyan ko hanggang sa makauwi. Hanggang sa pagpasok ay may nag aasikaso pa rin sa akin. Napapamulat na lang ako nang marinig ko ang tinig ni Althea.
"Yohan lasing ka ba?" tanong niya.
"Anong ginagawa mo dito? Ah pinatira nga pala kita dito dahil magkaka-baby na tayo!" Pinilit kong bumangon sa aking kinahihigaan na sofa.
"Maghintay ka lang dito, aasikasuhin ko lang siya!" sabi niya sa kausap.
"Hindi na, gabing-gabi na rin naman! Tawagan mo ako kapag may problema ka!" Dahil sa tama ng alak ay hindi ko maaninagan kung sino ang kausap niya.
BINABASA MO ANG
She's 𝑫𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 the 𝐹𝑎𝑚𝑜𝑢𝑠 𝓑𝓲𝓵𝓵𝓲𝓸𝓷𝓪𝓲𝓻𝓮.
Lãng mạnMinsan talaga kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kaniya. Aayusin mo ang 'yong sarili para mapansin ka niya, Babaguhin mo ang lahat nang nakasanayan na dahil 'yun ang gusto niya at higit sa lahat ay kaya mong balewalain ang mg...