"Lestine!" Pagtawag sa akin ni tita choleng may may kasamang pagalog dahil sa aking pagkabato.
"Bakit ka umiiyak? May masakit pa ba sayo?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Naramdaman ko ang paghawak ni elena sa akin. Pero napayuko na lamang ako at marahang pinunsan ang luha sa aking mga mata.
"Ayos lang po ako" sagot ko sa kanila.
Ramdam ko pa din ang presencya ni ginoong antonio pero alam kong hindi na sa akin ang focus niya. Nasa iba na ang kanyang atensyon ngayon.
"Tara na at umuwi na tayo" yaya sa amin ni tita choleng.
Hindi ko magawang tingnan si ginoong antonio. Ako lang ang nakakakita sa kanya pero sa iba na siya nakalapit ngayon.
"Bakit?" Bulong na tanong ni elena sa akin habang naglalakad kami pauwi.
"Si ginoong antonio, hindi na niya ako maalala" kwento ko sa kanya na ikinalaki ng mata niya.
"Ha bakit?" Tanong niya sa akin.
Napalunok ako. "Hindi ko din alam, pero nagiba siya nung nakita niya si ate agatha, tinawag pa nga niyang celestina ito" pagpapatuloy ko pa.
"Aba't! Babaero rin pala itong si ginoong antonio. Nakita niya lang ang ate agatha mo ay nakalimutan ka na kaagad!" Asik pa ni elena.
Nang makarating sa tapat ng bahay nila elena ay nagpaalam na sina tita choleng at ate agatha.
"Magingat kayong dalawa diyan, pag may kailangan kayo puntahan niyo lang kami sa bahay" paalala niya sa amin.
Tumango lamang ako at tsaka humalik sa kanya. Nasa tabi pa din ni ate agatha si ginoong antonio at hindi ko magawang tingnan siya.
Nang naglakad na sila paalis ay mabilis ang ginawa kong pagtalikod dahil hindi ko kayang makita siyang kasamang aalis ni ate agatha.
"Tara na elena" pagtawag ko dito na kaagad namang sumunod sa akin.
Napahinto ako ng may nagsalita sa aming likuran. "Binibini" tawag niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang nilingon.
Nakatingin ito sa akin. "Patawad ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko magawan sumunod kay celestina, hindi din niya ako nakikita" sumbong niya sa akin.
Nakatitig lang ako sa kanya. Wala din akong maisagot sa kanya.
"Hindi ko alam" wala sa sariling sagot ko.
Nilapitan niya ako. Para akong nababato habang lumalapit siya sa akin.
"Binibini, gusto kong humingi ng paumanhin. Pero nais ko sanang humingi ng tulong. Ikaw lang ang nakakakita sa akin" matatas na sambit niya.
Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam kung bakit, wala akong alam...naguguluhan na ako" giit komsa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin. "Si celestina ang dapat na nakakakita sa akin" giit pa niya na ikinais ko.
"Sana nga! Sana siya na lang nakakakita sayo...para wala na akong pinoproblema ngayon" hindi ko na napigilang sigawan siya kaya naman ang nasa tabi kong si elena ay tahimik na nakikinig.
Kahit alam niya ang tungkol kay ginoong antonio ay alam ko pa ding hindi normal ito para sa kanya.
"Binibini, huminahon ka" malumanay na sabi ni ginoong antonio kaya naman sinamaan ko lang siya ng tingin.
Dahil sa aking pananahimik ay muli siyang nagsalita. "Hindi niya ako nakikita, ikaw lang ang nakakakita sa akin. At higit sa lahat ay hindi ako pwedeng humiwalay sayo...pwede ko bang malaman ang iyong pangalan binibini" paliwanag at tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...