"Natagalan kayo." salubong ni Lola Lydia nang makarating sila sa bahay.
Maia can feel her cheeks burning. Naalala niya ang nangyari kanina sa kanila ni James. They just made out at the river!
"Kumain na tayo." ani Lola.
Naupo silang anim nila Lolo Manuel sa maliit na hapag. Naging masaya ang hapunan dahil na rin kanila Rico at Tomi na mukhang hindi yata nauubusan ng nakakatuwang topic. Lalo na si Rico.
Pagkatapos ay tumulong si Maia kay Lola Lydia magligpit at mahugas ng pinagkainan nila.
Maia can't help but laugh while looking at Tomi and Rico trying to climb a coconut tree. Lumipat ang tingin niya kay James na tumutulong kay Lolo Manuel magsibak ng kahoy. Mabilis itong natuto nang tinuruan ni Lolo. Ngumiti siya at lumapit.
"Nako, Rico at Tomi! Bumaba nga kayo at si Edwin na ang aakyat para ikuha kayo ng buko." saway ni Lola Lydia sa dalawang lalaki.
Sumunod naman ang mga ito sa sinabi ng matanda. Tinawag ni Lola ang binatilyong si Edwin at ito na ang umakyat sa puno ng niyog.
"Gusto rin talaga sana naming matutong umakyat sa punong 'yan, Lola." sabi pa ni Tomi na sinang-ayunan din ni Rico.
Napapailing nalang si Maia. Nagtagpo ang mga mata nila ni James nang mag-angat ito ng tingin. Tapos na sila ni Lolo Manuel sa pagsisibak.
"Maraming salamat po sa lahat, Lola, Lolo." ani Maia habang kaharap nila ang mag-asawa.
Nagpaalam na sila sa sumunod na araw. Nag-usap sila ni James at ibabalik na siya nito sa pamilya niya. Ayaw humiwalay ni Maia sa binata pero iyon ang makabubuti sa ngayon.
Tinanguan at nginitian sila ng dalawang matanda. Muling niyakap ni Maia si Lola Lydia. The old couple were good to them. Kahit ang mga tao sa lugar na ito.
Kumaway si Maia sa mga ito habang nasa loob na siya ng sasakyan. Si James ang nagmaneho while Rico and Tomi sat at the backseat. Nag-uusap naman silang apat habang nasa biyahe. Nang makatulog ang dalawang lalaki sa likod ay nanatili siyang gising para makapag-usap pa sila ni James. Hindi rin naman siya inaantok. Ngayon palang ay nangungulila na siya sa lalaking minamahal.
"Maia!" sinalubong siya ni Attorney Ivy ng yakap.
Niyakap din ni Maia pabalik ang babae. Dumaan sila kung saan tinago ni Leo ang ate ni James. Gusto siyang makita ni Ivy at masigurong maayos siya. Nag-alala ito sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?" Ivy promptly checked her after they parted from the hug. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Ayos lang po ako..." Maia gently smiled.
Ngumiti nalang din si Ivy matapos magbuntong hininga.
"Sa kusina lang ako, magluluto. Maiwan ko muna kayo." ani Ivy.
Tumango si Maia at nagpaalam na makiki-charge ng cellphone niya. Walang kuryente doon sa lugar nila Lola Lydia kaya ilang linggo rin nakapatay lang ang kaniyang phone.
Tinawag sila ni Ivy para makapananghalian. Sumunod naman sila dito sa kusina. Puring puri nila Rico at Tomi ang luto ng Attorney. Hanggang sa sinaway na ang mga ito Leo at mukhang hindi na natuwa. Panay kasi ang ngiti ni Ivy sa dalawang lalaki. Natutuwa lang naman ito. But Leo was obviously jealous kaya ganoon nalang ang reaksyon nito. Inirapan lang naman ito ni Ivy.
"Busog na ako." pigil ni Maia kay James nang makitang nilalagyan na naman nito ng dagdag pa na pagkain ang plato niya.
"Ang konti lang ng kinain mo."
Ngumiti lang si Maia at umiling. Halatang nag-aalala sa kaniya ang nobyo. Masaya siya na sa kabila ng mga masasakit na katotohanang nalaman ni James at nanatili parin ang pagmamahal nito sa kaniya.
"Busog na talaga ako." she assured him when he insisted and still tried to put more food on her plate.
Gaya ng sinabi ni James ay konti nga lang talaga ang kinain niya. Siguro ay sa dami ng mga nangyari kaya medyo nawawalan siya ng gana sa pagkain. Pero naalala niya na isang beses siyang naging magana noong na kanila Lola Lydia pa siya. Noong nagluto ito ginataang gulay. Nagustuhan niya 'yon at ewan ba niya nang araw na 'yon ay sobra siyang natakam doon.
Binuksan ni Maia ang kaniyang cellphone matapos makapag-charged. Agad niyang tinawagan ang ina. Maagap naman ang pagsagot nito sa tawag niya.
"Maia!" agad na bungad ng kaniyang ina. "Anak!" sunod niyang narinig ang pag-iyak nito.
"M-Mom-"
"Shemaia! Where are you?!" anang boses ng Daddy niya na malamang ay inagaw ang cellphone sa Mommy niya.
"Dad!" hindi na niya napigilan ang bahagyang pagtataas ng boses. "Bakit ganoon ang nasa News? James did not kidnap me! Kusa akong sumama sa kanya. Alam n'yo 'yan-"
"Nasaan ka? Saan ka niya dinala?" putol ng ama sa sinasabi niya. "You don't know that man, Maia-"
"Dad! Stop it! Kilala ko si James. I'm with them now and they were good people. Kayo nga itong hindi ko alam kung kilala ko ba talaga!" Pagkatapos ng mga nalaman niya ay may takot na siya sa sariling pamilya.
"What are you talking about? Nasaan ka-"
"I'm going home, Dad. Ihahatid ako ni James sa inyo nang ligtas. After everything you did to him and his family ay hindi niya ako sinaktan. In fact, ibabalik niya ako dahil ayaw niyang mapahamak ako." She was crying in frustration.
Tinapos niya ang tawag at naghanda na sila ni James sa pag-alis. Muli siyang niyakap ni Ivy nang magpaalam sila. Kasama nila sila Tomi at Rico sa sasakyan at susunod naman raw sila Leo at Alec. May maiiwan naman para samahan muna si Ivy.
Medyo nagtagal ang biyahe dahil may kalayuan din ang pinagtaguan ni Leo kay Ivy. At nang nasa City na sila ay ramdam ni Maia na alerto ang mga kasama niya. Wanted parin si James sa pangingidnap nga raw nito sa kaniya. Damay pa ang ate nito na kasabwat raw sa kidnapping. Iyon ang pinalabas ng pamilya niya. Hindi na makapaghintay si Maia na malinis ang pangalan ng magkapatid-it's the least she could do. Pagkatapos ng mga ginawa ng pamilya niya...
Natigil si Maia sa mga iniisip kasabay ng paghinto rin ng sinasakyang kotse. Tumingin siya sa labas at nanlaki ang mga mata nang makitang halos napapalibutan sila ng mga police. Hindi pa sila nakakapasok ng kanilang Subdivision ay hinarang na sila sa daan.
"A-Ano'ng nangyayari..." suminghap si Maia.
Hinawakan ni James ang kamay niya at bahagyang pinisil. Nagkatinginan silang parehong nasa backseat ng sasakyan. Rico was driving. Napamura naman si Tomi na nasa shotgun seat.
Inabot ni James ang kaniyang noo para mahalikan. Umiling si Maia sa takot nang hawakan siya ni James at tangkang lalabas ng sasakyan. "B-Baka saktan ka nila-" patuloy ang pag-iling niya, nangingilid ang luha sa mga mata.
Umiling din si James and gave her an assuring smile. "Nasa labas ang pamilya mo. Kailangan na kitang ibalik muna sa kanila."
Umiiling parin si Maia at tuluyang pumatak ang luha sa pisngi. Huhulihin ng pulisya si James dahil Wanted ito at natatakot siya. Baka ano ang mangyari kapag lumabas sila. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring hindi maganda kay James.
"J-James-"
Wala siyang nagawa nang hilahin na siya nito palabas. Sabay din nilang lumabas si Tomi samantalang nanatili si Rico sa driver's seat.
Hawak siya ni James at dumoble ang takot niya nang makitang maraming baril ang nakatutok sa direksyon nila mula sa kapulisan. Gaya ng sabi ni James ay naroon nga ang Dad niya. Umiigting ang panga nito. Nanghihingi ng tulong na tumingin si Maia sa ama.
Unti-unting lumuwang ang hawak sa kaniya ni James. "Go."
Umiling si Maia at lilingunin sana niya ang lalaki ngunit tinulak na siya nito.
Naging mabilis ang pangyayari. Nanlalaki ang mga mata ni Maia nang kitang kita niya kung paano handa nang barilin ng isa sa mga dalang bodyguards ng Daddy niya si James!
Mabilis siyang tumalikod paharap kay James at tinakbo ang distansya nila. Inabot niya ito at niyakap na agad din nanghina nang maramdaman ang balang sinalo ng kaniyang likod. Nanlalaki ang mga mata ni James na nakatingin sa kaniya.
"Maia!" klarong sigaw nito sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Hearts Series 1: Crippled Hearts
Fiksi UmumMaia was disappointed and guilty when she met James. Minsan na nga lang siyang magkagusto, at sa pinsan pa pala niya. And she knew it's bad. Pero paano kung malaman niyang hindi naman pala talaga sila magkaano-ano ng lalaki? Ngunit hindi lang iyon...