Kabanata 26

294 12 0
                                    

Kabanata 26

Reasons

Bakit kaya ganun?

Hindi ako naniniwala sa mga multo dahil sabi ko sa sarili ko maniniwala lang akong kapag nakakita na ako. Pero sa tuwing iisipin ko na makakakita ako ng aswang baka himatayin ako sa takot at kaba.

Para lang iyong pag-ibig. Hindi ka maniniwala sa mga sabi-sabi na may iba ang kinakasama mo hangga't hindi mo iyon nakikita pero sa tuwing iisipin na makikita mo ang kinakasama mo na may kasamang iba'y talaga nga namang nakakapanikip ng dibdib.

I sighed deeply.

Pilit kong inintindi ang kaniyang paliwanag. Hindi iyon malinaw pero sa pagtatagpi-tagpi ko'y naiintindihan ko na.

His mom warned David. Nang tumanggi si David sa unang inereto sa kaniya ng kaniyang ina'y inamin ni David na may mahal siyang iba. Kaya naman agad na itinanong ni Madam si David kung sino at iharap ito sa kaniya. Ibig sabihin lang niyon ay gusto ni Madam Rhiana na iharap ako ni David sa kaniya.

Ngunit natatakot kaming dalawa ni David dahil sabi ni Madam kapag raw hindi niya nagustuhan kung sino ako'y sisirain niya ang buhay namin. Natatakot ako, hindi lamang sa sa sarili ko kun'di pati sa buo kong pamilya. Ma'am Rhiana aslo warned David that she will disown her own son kapag hindi ito pumayag sa gusto niya.

Naiiyak na lang ako sa katotohanang wala kaming magawa diyoon.

"Anong kinalaman dun ni Laurel?" namamalat ang boses kong tanong.

"Humingi ako ng tulong sa kaniya."

Tumango ako at sinasabing mag-patuloy siya.

"Kapag si Laurel ang sinabi kong gusto kong pakasalan ay tiyak na papayag si Mommy."

Lumunok ako nang malalim. My heart are so broken. Ang sakit palang marinig iyon mula sa kaniya. Kung ikukumpara ako sa babaeng iyon ay walang-wala ako.

Naalala ko pa noong nag-kwento sa akin si Queen tungkol sa dalawa.

"Actually, Krist wala akong alam sa dalawang iyon pero kilala ko si Laurel. Nalaman ko lang ang k'wento ng dalawa dahil sa kay Nanay Lita. Sabi niya'y magkakabata ang dalawa... hanggang sa nagka-gustuhan at naging magka-relasyon. Mahal na mahal daw iyon ni Sir David. Halos hindi magkahiwalay ang dalawa."

Nginisian ko si Queen. E bakit magkahiwalay sila ngayon?

"Naghiwalay lang ang dalawa dahil gustong kumuha ng babae ng kursong Fine Arts sa Paris habang si David nama'y gusto sa US. Ayon, doon nagkahiwakay ang dalawa."

Napaka-babang dahilan. Kung talagang mahal ng babae si David, sasama siya sa kay David sa US. Or kung talagang mahal ni David si Laurel sasama si David sa kay Laurel at doon mag-aaral sa Paris.

"May malalim na dahilan kasi si David kaya doon niya gustong mag-aaral. Hindi ko nga lang alam kung ano iyon dahil hindi na naman sinabi sa akin ni Nay Lita. Pero kung iisipin natin... sobrang lalim nga ng dahilan niya para mas piliin na hiwalayan ang babae para lamang makapag-aral sa US."

Tipid na lang akong tumango kahit na sa isip ko'y maraming namunuong tanong. Anong dahilan?

"Mula nang maghiwalay ang dalawa naging mapaglaro na sa mga babae si David. Kaya naman ang iniisip ng iba ay dahil iyon kay Laurel. Pero ako? Kung tatanungin parang oo nga." nginisian niya ako at binigyan ng mapanuksong tingin.

Inilingan ko na lang siya't bahagyang nawala ang mabigat na kung ano sa aking dibdib.

Hindi ko alam kung seryoso talaga sa akin si David. At ngayong dumating nang muli ang babaeng una niyang minahal ay hindi ko alam kung mag-titiwala pa ba ako sa ipinapakita niya.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon