KABANATA 1

718 22 1
                                    

"Please come back to me"

"Please come back to me"

"Please come back to me"

"Please come back to me"

Paulit-ulit niyang sinasabi, umaalingawngaw sa aking mga tainga.
Sinusubukan niya akong hawakan pero pilit akong lumalayo, at sa aking paglayo, tuluyan na nga siyang nawala.

Sumasakit ang aking ulo.

Napabalikwas ako mula sa aking pagtulog at napaupo na sa aking kama.

Napakasakit.

Isa na namang panaginip.

Bakit ko nga ba mapapanaginipan na babalik siya? Kahit hindi naman na. At siya pa ha? Siya pa ang gustong bumalik ha? Eh baka ikaw naman ang gustong bumalik.

Life really sucks. Yung feeling na super saya mo na pero? Wala e. May mga paepal talaga sa mundo na bigla na lang dadating tapos kunwari may ganap sa buhay. Kagaya ng ex--
Kagaya ng iba diyan. Di ba?

Napatingin ako sa paligid ko.
Hindi ko pa pala tinatanggal lahat ng pictures na nakadikit sa pader ng kuwarto ko, paano ka nga ba niyan makakamove on Cassy?

HOYYY! GUMISING KA NA SA KATOTOHANAN! NAGHANAP NA NG IBA YUN CASSYYY! WAG KA NG MAGPAKATANGA DIYAN!

Binasag ko na lang ang vase na nasa tabi ng higaan ko. At sumigaw.
Para akong tanga no? Nasasaktan lang talaga ako kapag naiisip kong hindi ako sapat. At hindi lahat ng ipinakita niya sa akin ay totoo.

Hindi ko na naramdaman na umiiyak na pala ako. Oh eto ako ngayon, feeling strong kahit weak naman talaga.
Eh wala, ikaw yan cassy e, niloloko kasi mabait, nagfefeeling matapang kahit hindi naman, sinasaktan kasi hinahayaan lang.

Tumingin ako sa orasan at ayun, 2:05 am pa lang. Makakatulog ka din ng mahimbing. Someday.


UNBROKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon