paano ba?
paano ba ang sabihin na wala na talaga
na hindi na ako kinikilig kapag naglalambing ka
na hindi na ako nasasabik para makausap ka
na hindi na kita hinahanap kapag di ka nakikita
na hanggang dito na lang talaga
hindi naman ako deserving sa pagmamahal mo
ikaw yung babaeng disente at nagmamahal ng totoo
yung lahat gagawin para mapansin ko
pero ako...
ako yung lalake na bumabalewala sa'yo
yung magrereply lang ng okay sa mga nobelang chat mo
yung magkukunwaring busy at ayaw paistorbo
yung magagalit sa tuwing iyong sinusuyo
alam mo ba...
hindi ka mahirap mahalin
marami nga sa'yong nahuhumaling
mga kalalakihan nais kang maangkin
pero bakit ako pa na hindi ka matuunan ng pansin
wag mo sanang mamasamain
mayroon akong sa'yo ay nais tanungin
bakit di mo subukang sa iba ay tumingin
kasi baka nagkamali ka lang ng pagpili sa akin
alam kong nangako ako na hindi ka iiwan
sinabi ko pa noon na ikaw ang gusto kong pakasalan
at hindi ipagpapalit kahit kanino man
oo, sinabi ko lahat ng 'yan
pero ngayon hindi ko na mapanindigan
di ko naman ginustong ikaw ay iwan
mahirap para sa akin na ika'y nasasaktan
kasi totoong minahal kita ng lubusan
alam kong magulo pero iyo sanang paniwalaan
batid ko ang pakiramdam ng pait
yung iniwan ka tapos pinagpalit
naranasan ko na rin noon magtanong kung bakit
ang pag-ibig ay sadyang may saya at sakit
pero sana wag pangunahan ng galit
kung hindi man matupad mga pangarap nating iginuhit
at kung di na maipagdiwang mga taon nating sasapit
di ko na kasi talaga kaya kahit anong gawing pilit
kaya sana...
sana sumuko ka na
para sa ating dalawa
kasi hindi lang naman ikaw ang nahihirapan...
pati ako ako sinta