Miya's POV
"*TOK TOK TOK*"
Nagising ako dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan ng bahay KO. Oo bahay ko,tutal ako lang naman nakakatagal sa bahay na 'to.
Sino ba kaso yun? Ang aga aga,istorbo ng tulog. 9:30 na pala ng umaga? Hayst.
Agad akong bumaba ng kumatok uli ang pintuan. Nakakainis,kung andito lang sana sina mama at papa edi sana sila ang magbubukas ng pinto para di ako gigising pa. Pero wala eh,busy sila sa paghahanap sa nawawala kong kuya.
"Sino yan?"tanong ko saka nagkamot kamot pa. May kuto na ata ako eh.
Pagbukas ko ng pinto.......
"SURPRISEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"Sigaw niya. Ay hindi. NILA pala kasi apat sila.
Ang mga makukulit kong mga barkada -_-
"Ano ba yan,ang aga aga. Ano bang sadya niyo dito?"
"Wow! Ganyan bungad mo talaga samin teh? Hindi ba pwede papasukin mo muna kami?"maarteng sagot ni Rafael pero tawag namin sa kanya Rafaela,dahil pusong babae siya.
"Besides,hindi mo ba alam na birthday mo ngayon?"masungit na sabi ni Freya.
Oh what the?! Oo nga pala!!! Sheez bat ko nga naman nakalimutan?
"Hay naku,Miya Miller,sa dami ng pwedeng kalimutan,birthday mo pa"napairap ako ng banggitin ni Karina ang complete name ko. Hobby niya talaga no?
"Ano ba naman kayo guys,huwag niyo nga muna siyang inaaway. Birthday na birthday nung tao eh"nagulat ako nang biglang magsalita si Alice. Andyan pala siya?"Happy birthday,Miya"nakangiting bati niya na kinakilig ng buong katawan ko.
Ewan ko ba. Hehe.
Saka ko napansin na gulo guli nga pala ang buhok ko kaya dali dali akong pumasok uli sa loob ng kwarto ko saka nagpalit at nag ayos.
Miya,umayos ka,andyan si Alice sa baba.
Aishh ano ba naman 'tong isip ko. Eh ano naman kung andyan si Alice? Kaibigan ko naman siya ah. Bahala na nga.
"So,san tayo,birthday girl?"masayang tanong ni Freya.
"Uhmm nasa bahay tayo ngayon."
She rolled her eyes "Anong klaseng pag iisip meron ka,Miya? Hmp. I mean san tayo pupunta? You know birthday mo,libre mo ganern"
"Ahhh"napaisip tuloy ako"Saan nga ba?"
Buti nalang pala,may iniwang pera sakin ang parents ko para sa birthday ko.
"Saan ba ang maganda?"biglang tanong ni Alice kaya napatingin ako sa kanya.
"Ikaw"
Bigla silang napatingin saakin,"I mean,Ikaw ba Alice,san ba ang alam mong maganda?"
"Ikaw din"sabi niya habang nakangiti,"I mean,mag joy ride nalang tayo"
"That's a great idea!"masayang sambit ko tutal may kotse naman ako.
"Game!"
*********
Inistop ko ang kotse sa labas ng grocery store saka sila tinignang apat.
"Ano yun? Magugutom tayo sa daan?"
"Malay ko sayo,bili ka na dali!!!!!!!"utos ni Karina
Lalabas na sana ako ng kotse nang.....
"Miya,samahan na kita"nahihiyang sabi ni Alice.
"S-sige"
Tahimik lang kaming naghahanap ng pagkain. Ewan ko ba. Sa chat,sobrang close naman namin pero pag personal na,wala na.
"M-miya,okay lang ba 'tong suot ko?"
Tinignan ko ang suot niya.
She's wearing a pants,white shirt and white shoes. Damn sobrang simple niya pero ang ganda niya.
"Oo,ang ganda mo nga eh"
"Sure ka?"nag aalalang tanong niya,"Baka mamaya,natuturn off na pala yung crush ko sakin"
Agad napakunot ang noo ko. May crush siya? Bat di niya sinasabi? Tsk. Tsaka bakit parang nagseselos ako? Ulol,Miya,kaibigan mo yan.
"Miya,kuha lang ako ng drinks natin ah. Ikaw na sa mga kakainin natin"pagpapaalam ni Alice saka umalis.
Agad akong pumunta sa mga biscuits saka kumuha ng ng dalawang supot ng Choco tops.
Sunod naman ay pumunta ako sa mga chichirya. Nang dadamputin ko na sana ang Piattos ay may kumuha na agad dito.
Napatingin ako sa lalaking Nakashades na siyang kumuha pala sa Piattos na dapat kukunin ko.
"Oopps ako ang nauna. Kumuha ka nalang iba"nakangisi niyang sabi
Nang kukuhanin ko na sana yung isang Piattos ay agad na naman niya itong kinuha.
Bwiset!
Sinasadya ba niya?
Titingin na sana ako sa kanya ngunit aksidenteng napadako ang tingin ko sa damit niya kaya bumulalas ako sa tawa.
HAHAHHAHAHHHAHHAHHAHAAA
"Anong nakakatawa?"nakataas kilay pa niyang sabi.
"Yung----HAHAHAHA-----damit-----mo HAHAHAHA-----PETMALU?!----HAHAHAHA. Ang jeje HAHAHAHA"
Magsasalita pa sana ako nang bigla kong makita si Alice kaya napatigil ako saka iniwan siyang nakangiti.
Pagbalik namin sa kotse,agad nila akong tinanong kung bakit walang Piattos eh paborito naming lahat yun. Ang sabi ko naman,may kumuhang ipis.
"Okay na rin 'tong makagala tayo ngayon. Next week na ang pasukan. Di pa ako ready'ng maging College"sabi ni Freya habang kumukuha ng picture sa magagandang view.
"Ako? I'm so excited naaaa!!!!"masaya at kinikilig pang sabi ni Rafaela.
"Ang sabihin mo,excited kang makakita ng gwapo"pairap na sabi ni Alice kaya nag apir silang tatlo nila Karina at Freya,hindi naman ako makaapir dahil nagdadrive ako.
"Hindi na pala tayo magkakaklase niyan"
"Oo nga eh,same school nga,di naman same ng classroom at schedule"pagmamaktol pa ni Freya.
"Okay lang yan. May Saturday at Sunday naman para magkakasama tayo"-Alice
Napangiti nalang kami sa sinabi ni Alice. Kahit kailan talaga napapalakas niya ang loob namin. Kung lalaki lang talaga ako,nakuuu! Linigawan ko na 'tong babae'ng to. Teka. Pumapatol kaya siya sa babae? Malay mo,lol.
Nang makatulog na ang tatlo ay kinalabit ako ni Alice.
"Yes,Alice?"
"Happy birthday,Miya! I love you"bati niya saka ako kiniss sa cheeks na agad kinapula ng buong muka ko.
Damn,this girl,she never failed to surprise and make me happy in just simple ways.
I'm really inlove with her.
Yes I know it's wrong. Hindi lang dahil sa magkaibigan kami,kundi pati na din pareho kaming babae. Mula highschool sinasaisip ko naman yan eh,ang kaso wala eh,diko mapigilan.
BINABASA MO ANG
Love is Love
JugendliteraturAng istoryang ito ay naglalaman ng buhay ko,charot! Tungkol ito sa isang babaeng bisexual. Wait. Kung dumating kaya ang isang lalaki sa buhay niya,sa babaeng alam niyang mahal niya pa din kaya siya titingin? Hmmm.