Aubrey P.O.V
Napabalikwas ako ng maalala ko naman ang masamang panaginip na iyon. Pilit kong hinahabol ang hininga
ko. Malakas rin ang kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Pakiramdam ko bumalik lahat. Lahat ng sakit na iyon at paulit- ulit na hina-hunting ako ng sarili kong bangungot."Calm down Aubrey! Calm down! It's just a dream , a very bad dream." Pagpapakalma ko sa aking sarili.
Matagal ko nang kinalimutan ang masalimuot na pangyayaring yun. I was only 10 years old back then ng nangyari iyon. Hindi ko alam kung maswerte ba ako dahil nung time na yun gustong gusto ko nang mamatay but still heto ako buhay na buhay.
Si Aling Bebang ang tumulong sa akin kaya hanggang ngayon ay nag-aaral pa rin ako. Hindi rin naging madali ang lahat dahil kapalit nun ay ang pagsasayaw ko sa bar. Nung una tumanggi ako, pero umabot din sa puntong walang wala na akong makapitan. I grab that opportunity at hindi ko naman pinagsisihan iyon.
Kahit papanu nakatutulong rin iyon sa mga panggastos ko araw-araw. Naging part time job ko ang pagsasayaw dito sa TheBARcade at naka hide ang identity ko or should I say hindi ako pwedeng pang VIP or bayaran na lang kung sino. Lagi akong may suot na mascara at kilala ako sa tawag bilang BUBBLES.
My life is wasted before and for now, I'm making a move to build myself again. I want to start a new life again kung saan wala ng bahid pa ng takot at lungkot ang aking pagkatao.
Maaga akong umuwi galing paaralan upang makapaghanda