CHAPTER ¹ "Positive Minus Negative"

10 1 2
                                    

Glenn's POV

"Andrea pakiusap, wag kang ganito sakin. Madami na akong isinakripisyo sa isang taong relasyon natin, nagmamakaawa ako Andrea" hindi padin siya umiimik kahit umiiyak nako at nakaluhod sa harapan nya. Wala akong makitang dahilan para makipag hiwalay siya sakin maliban na lang kung may iba na syang gusto. Tumayo ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat sabay kabig papunta sa dibdib ko.

"Ano bang ginagawa mo!?" naaasar na sigaw nya sabay tulak sa akin.

Desperado akong wag hiwalayan ni Andrea. Mahal na mahal ko sya. Higit pa sa sarili ko. Higit pa sa pamilya ko. Ganun ako ka baliw sa kanya.

Hinila ko ang kamay niya at niyakap ng mahigpit. Madami ng tao ang nakatingin sa amin dahil nasa mall kami. Wala akong pakialam sa mga iniisip nilang lahat sa pagiging martir ko. Ang mahalaga lang sa akin sa oras na ito ay magkaayos kami ni Andrea

"Mahal na mahal na mahal kita Andrea Villaseñor" hikbi ko sa kanya habang umiiyak at nakayakap ng sobrang higpit. "Ayokong mawala ka sakin please , ayoko"

Naramdaman ko na unti-unting hinihimas ni Andrea ang likod ko kaya mas hinigpitan kopa ang yakap ko sa kanya. Komportable ako sa tuwing niyayakap niya ako. Pakiramdam ko ligtas ako, pakiramdam ko sobrang halaga ko sa mga yakap na iyon.

"Patawadin moko Glenn" nadinig ko ang bulong niya na iyon. Hinayaan ko lang siya na magsalita habang nakayakap padin ako sa kanya "Minahal kita Glenn, minahal kita"

Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kanya sabay tulak nya sa akin ng dahan dahan. "Minahal kita Glenn, minahal kita" paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang mga salita ni Andrea habang nakatingin lang sakanya. Tapos naba niya ako mahalin? ganon na lang ba yon?

"Bakit mo sinasabi sakin yan? " akala ko wala nang luha ang tutulo sa mga mata ko pero sa pagkakataong ito, wala na akong makita. Nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang daming luha na iniiyak ko.

Umiling lang siya sabay talikod habang nakahawak pa ako sa kaliwang kamay niya.

"Sabihin mo Andrea, sabihin mo na mahal mo ako, sabihin mo na biro lang lahat ng ito " nakangiti ako sakanya kahit umiiyak.

Sa huling pagkakataon pilit niyang binitawan ang kamay ko at umalis sa tabi ko. At ako? Nakatayo sa harap ng madaming tao habang pinapanood ang pagiging talunan ko. Habang umiiyak na parang bata .

Ilang minuto muna ang pinalipas ko at pinakalma ang sarili. Dahan dahan akong naglakad hangang sa makalabas ako sa mall. Hindi ko na napansin ang mga taong nakatingin sa akin. Wala na akong pakialam sa iniisip nila dahil puro sakit lang ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko mag-isa ako, walang pwedeng kausapin, walang pwedeng pagbuhusan ng nararamdaman. Hindi ko namalayan na nasa parking lot na pala ako kung saan naka parada ang kotse ko. Pumasok ako sa loob at duon iniyak at sinigaw lahat ng sakit na nararamdaman ko.

*Fast forward*

Nandito parin ako sa parking lot sa loob ng kotse. Halos kalahating oras na akong umiiyak hanggang sa wala na talaga akong mailabas na mga luha sa aking mga mata. Ilang minuto kona din Ini-start ang sasakyan pero ayaw mag start. Wala na sigurong gasolina, kaya napilitan akong lumabas ng kotse para mag commute.

Nasa labas na ako ng mall, malapit nang dumilim. Ilang sasakyan at mga tao narin ang dumaan sa harapan ko pero hindi parin ako nakasasakay. Madalang na lang kasi ang bus na dumadaan mula Pulilan papuntang Baliwag ng ganitong mga oras.

At ang kamalasan nga naman, bigla pang bumuhos ang ulan. Tsk! Inaasahan kona ito. May dalawang bagyo kasi ngayong Septyembre.

Mas lumakas pa ang ihip ng hangin at buhos ng ulan. Sobrang giniginaw na ako . Buti na lang at May nakita na akong bus at agad na sumakay. Pagpasok ko.... Fvck! Kanina pa ako giniginaw dahil nababad ako sa ulan at ngayon... sa air-conditioned pa ako sumakay. T@ngin@ lang talaga! Ilang kamalasan pa ba ang darating sakin bago ako makauwi ng bahay?!.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa para tawagan si nanay Carmel para abangan ako sa labas ng aming mansiyon at shit! Hindi ko mapindot ng maayos ang phone ko dahil basang basa ang kamay ko pati ang phone ko.

Umupo ako sa dulong parte ng bus dahil yun lang ang part na walang aircon pero ganun padin ang lamig dahil nakabukas ang mga aircon ng bawat itaas ng mga upuan.

Buti na lang at iilan lang ang mga tao na nakasakay ngayon sa bus kaya nakagalaw galaw ko ng maayos. Sa bandang kaliwa ko ay may lalaking nakapikit habang nakasandal sa gilid ng bus. Maputi siya matangos ang ilong, mapula labi pero yung porma nya? Pft! Matatawa ka nalang sa sobrang baduy ng suot nya. Naka suot kasi sya ng pulang over size na t-shirt, jagger pants na kulay green at white/yellow na fila na sapatos. Sa sobrang baduy ng suot nya . Aakalain mong pasko na sa samu't saring kulay ang suot nya. Ang low class, sinong babae magkakagusto sa lalaking ganyan pumorma?! Hahahahahahaha.

Ang dami ko'ng problema ngayong araw pero nabawasan naman dahil nakakita ako ng clown.

Huminto saglit ang bus. Madaming tao ang pumasok. May mga bata may mga nanay, tatay, at dalawang babaeng matanda. Halatang isang pamilya sila. Naokupa na ng mga bata at mga magulang ang upuan sa harapan kaya sa tabi ko na lang umupo ang dalawang lola. Medyo May katabaan sila ng konti kaya medyo sumikip ang pwesto ko dahilan para umusad ako pakaliwa. Sumiksik sa gilid yung lalaki na baduy marahil naramdaman nya siguro na basa ako.

Kumapa ako sa aking bulsa para kunin ang wallet ko saka ko lang naalala na wala akong perang dala. Puro credit card at debit card ang laman ng wallet ko at hindi nila ito tatanggapin.

Naramdaman ko'ng nakatingin sakin yung baduy na lalaki na katabi ko kaya itinago kona agad ang aking wallet. Mahirap na. Kahit saan laganap ang nakawan, hindi mo alam mo may katabi kana palang kawatan.

Maya maya pa ay tumayo na yung katabi ko'ng lalaki at nag bayad sa may kundoktor saka lumabas ng bus. Ilang minuto pa ang lumipas nasa Baliwag na kami. Nagpatihuli akong bumaba upang pakiusapan ang kundoktor na ibawas na lang nila sa credit card ko yung pamasahe dahil wala akong perang dala.

"Ay ser! Huwag na po kayo mag bayad" nakangiting sabi sakin ng kundoktor. Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi ng kundoktor. "Binayaran kana po nung lalaking bumaba kanina" dugtong pa niya. Yung baduy na kawatan na lalaki ba ang tinutukoy nya? Madami siguro siyang na nanakaw kaya ganun.

"Ah... Sige salamat po" sagot ko sabay baba sa bus.

Hindi na umuulan. Umupo muna ako sa may bench para makapagpahinga man lang. Tahimik, malamig, walang tao. Sumagi nanaman sa isip ko si Andrea. Wala padin akong ideya kung bakit niya sinabi sakin yung mga bagay na iyon . Bigla na lang sumikip ang dibdib ko at maya maya pa ay may tumulo na luha sa mga mata ko.

Wala ako pakialam sa sasabihin ng iba. Hanggat kaya ko, susugal ako kahit alam ko sa sarili ko na talo ako sa huli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Green LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon