#1 Watching You From Afar (Part 1)

3 0 0
                                    

Siya si Lisa. Isang simpleng studyante ng ULSA. Nangarap, Nag aral,  pero bakit siya binabash? Siya ba talaga?  O sila yung harsh?

Simulan natin sa simula. Kung bakit nga ba umabot sa ganitong kalala. Gusto kong alalahanin isa isa lahat ng pangyayari habang nakatanaw sa bintanang salamin at tinatanaw ang isang taong walang ginawa kung hindi mangarap mag isa.

-

Simula kaninang umaga pagtapak niya sa aming silid. Ang una nilang banggit. "Dito ka sa amin,  wag ka sa gilid." "Girl, exam week.  Sawang sawa na kaming matawag na weak kaya pwedeng pakopya kahit lang sa Math106".  Tumango lamang siya at parang robot na sumunod sa sabi nila. Alam kong labag sa kalooban niya iyon.  Ngunit bakit di siya lumaban? Dahil gusto niyang sabay sabay kaming pumasa.

Kinabukasan, pinaalalahanan kami ng professor namin na pasahan na ng Chapter 1 ng research paper. Pagkalabas na pagkalabas ng  Prof namin.

Lumapit ang isang babae sa kanya na may mahabang buhok. "Di ba solo ka lang sa research?"  Tumango siya na may malawak na ngiti sa mukha.
"Sumama ka na sa grupo namin tutal pwede naman apat e.  Kawawa ka naman. And if I'm not mistaken you're the one who got the highest average in Dean's List last sem, right? I bet you can do alone all the parts of Chapter 1. So, we trust in you! Welcome to our group! Message me if you have something to spend for our research paper. I'll give you thrice the price or maybe even anything you want. Bye!" Pero napalitan agad iyon ng mapait na ngiti matapos marinig ang huling sinabi ng babae.

Maraming araw pa ang lumipas pero walang pagbabago.  Pagbabasa at pagiging tahimik lang yata ang hobby nito. Maliban na lang sa recitation gaya ngayon.  ".....the variation in brightness is due to one star Ma'am moving in front or behind the other star. I think Ma'am it occurs because we see the system on edge instead from above" Matalino si Lisa,  oo.  Pero ewan ko bakit ang hina hina niya.  Ni minsan di ko pa siyang nakitang lumaban sa pang aapi sa kanya. 

"That's exactly what I wanna hear,  Miss Lisa Jimena.  Excellent! Well,  Rose next time before doing anything to my class make sure that you also know everything about our lesson. Okay?" So,  as always Lisa save one of our classmate from recit. But wait, really Rose? Sana mali ang iniisip ko.

Habang palakad ako sa Gym ng University may nakita akong babae na nakatayo sa Locker Room na parang nagmamasid pero pumasok din kaagad.  Nakakapagtaka lang kasi 9pm na sarado na dapat doon kasi 7pm bawal na pumasok doon maliban na lang kung may trainings kaso wala naman.

Hinayaan ko na lang at tuloy tuloy na lang akong dumaan kasi wala naman ng ibang daan kung hindi doon palabas ng gate.

"How many times you want me to say that I don't need your sorry!" Narinig ko ang pamilyar na boses.  Kaya napatigil ako sandali. Sinilip ko kung sino yung nagsasalita at di nga ako nagkamali na pamilyar ang boses na yun.  "....pinahiya mo ako sa klase tapos sorry lang ang kapalit? You're wrong Lisa!" After Rose's word,  I heard that she slapped Lisa. "I hope you understand that your simple sorry isn't enough." Gusto ko na silang lapitan baka kasi hindi lang yun ang gawin niya kay Lisa. Pero paalis na sila sa Locker Room kaya nagtago na lang ako. "What I want is....  I need you to suffer!" Pahabol na sabi niya kay Lisa.

Pagkaalis nung tatlo agad kong linapitan si Lisa.  Nakaupo lang siya sa sahig habang nakayuko at nakatakip ang mukha habang umiiyak.

Tinapik tapik ko ang balikat niya para iparamdam sa kanya na tama na sa pag iyak dahil hindi naman niya kasalanan na mag recite dahil alam niya ang sagot at si Rose hindi. Pero nagulat ako ng magtaas siya ng boses habang nakadukdok pa din ang mukha niya sa mga kamay niya.

Random Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon