Chapter 26

2.7K 75 2
                                    

sobrang pasensiya sa matagal na paghihintay, enjoy!!

follow me on my social media accounts!!

ig: cakeisha27
twi: cakeisha_13

ps: sherkolang; 17th birthday ko po bukas!! HAHA pakunswelo ko po sa inyo 'tong chapter na 'to, pagdamutan niyo na muna :---)
***

-Flashback-

Maximo Primo Andrade also known as Maxine heaved a sigh as he walked through their house's front door.

Hindi siya makapaniwala sa kinwento sa kanya ng kanyang kliyente, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

Unang-una ay naaawa siya kay Astrid, halata namang hindi ginusto ng babae na mapunta sa ganoong sitwasyon, pero paano nga ba niya ito matutulungan? Isa lang siyang hamak na make up artist, ang trabaho niya ay magpaganda ng mga kliyente at lagyan ng kolorete ang kanilang mga mukha.

Sa paanong paraan nga ba siya makakatulong? Nagpakawala na naman siya ng buntong hininga habang naka-upo sa kanilang sofa.

Alpha Anito had a reputation, Max knew that, pero hindi niya inasahan na totoo pala ang lahat ng iyon. He was aware that Alpha Anito had the reputation of ruthlessness and cruelty, but not to the extent of forcing someone to have sex with him.

Napatingin si Maxine sa pinto sapagkat bigla itong bumukas, iniluwa niyon ang nakababata niyang kapatid na si Mason.

Halatang galing sa trabaho ang kanyang kapatid sapagkat naka-sando ito na kulay black, grey sweatpants at rubber shoes. Ito ang normal nitong suot kapag nagte-train o 'di naman kaya ay galing sa pagtuturo.

"Kamusta ang trabaho, kuya?" tanong ni Mason sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Ayos lang, medyo na-stressed pero kakayanin pa naman," sagot naman ni Maxine sabay ngiti.

Alam ni Mason na homosexual ang kuya niya, at tanggap niya ito ng buong-buo, ngunit si Mason ay hindi homosexual, he is attracted to girls. Pero tanggap niya ng buo ang kuya niya. (sana ol)

"Magluluto pa ba ako o papa-deliver nalang tayo?" tanong ni Maxine sa kanyang kapatid.

"Kahit ano, ayos lang," sagot ni Mason.

Agad na kinuha ni Maxine ang kanyang cellphone at nag-dial ng number ng isang sikat na Pizza Parlor na malapit lamang sa kanilang bahay, nag-order siya ng dalawang large hawaiian pizza, atsaka dalawang large na chocolate milkshake.

Nakatataba ang kanilang mga pagkain ngunit hindi maipagkakaila na parehas na may taglay na kakisigan ang magkapatid.

Ilang minuto lang ay tumunog ang kanilang door bell, hudyat na naroon na ang kanilang dinner.

"Ako na," sabi ni Mason, sabay tayo at nagtungo sa pintuan.

Pagkatapos niyang bayaran ang pagkain ay inilapag niya ito sa lamesa, nagsimula na silang kumain.

Nakakalahati na ni Mason ang malaking box ng pizza nang biglang tumikhim ang kanyang kuya Maxine, napatingin siya sa kanyang kuya.

The Alpha's BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon