PROLOGUE
HINDI makapaniwala si Rean na nagkamali siya ng pag-asinta ng dart pin patungo sa bullseye ng dart board. Aksidenteng tumama sa metal ring ng inner bullseye ang kanyang tira dahilan upang mahulog ang dart pin. Kasalukuyan siyang na loob ng bar sa hotel na tinutuluyan. Niyaya niya ang kaibigang si Tiel dahil sayang naman ng bakasyon nila sa Jeju Island kung hindi nila iyon susulitin.
“Paano yan? Talo kita ngayon.” biro ni Tiel sa kanya. Naipatama kasi nito sa bullseye ang tatlong dart pin na hawak.
Umani sila ng malakas na mga palakpak mula sa mga taong nanood sa kanilang laro. Iba’t-ibang lahi ang nandoon at nasa mukha ng mga ito ang paghanga sa kanila.
“Excuse me girls! Both of you are Filipina, right?” anang isang lalaki mula sa kanilang likuran. Agad siyang humarap rito.
“Yes, why?” aniya na nakaangat ang isang kilay.
‘In fairness ang guwapo ng isang ito! He is a perfect ten!’ Lihim niyang pinag-aralan ang hitsura nito mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at kayumanggi ang kulay ng balat, matangos ang ilong at nangugusap ang mga mata at higit sa lahat natural na mapupula ang labi.
“Great! My name is Evan. Pilipino rin ako.” magiliw na pagpapakilala nito.
“Nice to meet you Evan. My name is Tiel, and this is my friend Rean.” Polite na saad ng kaibigan. Nagkibit na lamang siya ng mga balikat pero itinatak niya sa kanyang utak ang pangalan nito.
“May I interfere you girls for a while? May kilala kasi akong gustong maglaro ng dart. Can we play double?” nakangiting wika ng lalaki.
“Sure.” magkapanabay na sambit nila ni Tiel.
Nahigit na naman niya ang paghinga nang mapagsino ang lalaking paparating sa kanilang direksyon.
“Soo Hyun!” bulalas niya. Ito ang lalaking nangsnob sa kanila ni Tiel kaninang umaga, sabagay may guts naman itong mangsuplado dahil kamukha ito ng kanyang ultimate crush. Ang sikat na aktor sa South Korea na si Kim Soo Hyun kaya mahaba ang pasensya niya.
Hindi ito nag-abalang kumibo bagkus ay sinimulan na nila ang paglalaro ng dart. Magaling ang dalawang lalaki at hindi naglalayo ang kanilang mga scores. Halos lahat yata ng mga naroon sa loob ng bar ay nakiusyuso sa kanilang laro.
Naipasok ni Tiel ang lahat ng pin nito sa bullseye bago pa man siya nagkaroon ng pagkakataon kaya nagtatalon na siya sa tuwa.
“Omg. We just won the game!” hindi makapaniwalang wika ni Rean. Nakita niyang napapailing si Evan. Mukhang naanticipate na nito ang pagkatalo.
Dahil naging abala siya sa pagmamasaid sa lalaking binigyan niya ng perfect ten kaya hindi niya napansin ang pagkainis ni Tiel sa lalaking tinatawag niyang Soo Hyun. Itinira kasi nito ang tatlong pins na hawak nito sa cherry at nagsipagtanggalan ang unang naitira ni Tiel. Napuno ng kantiyawan ang buong bar.
“Yabang!” inis na saad ni Tiel. Masama ang tingin nito sa lalaki.
“You lost the game.” Nang-asar pa ito nang makalapit sa kaibigan niya.
Tahimik silang bumalik sa mesang inuukopa at napansin niyang nakasunod sa kanila si Evan.
“It was a good game.” Nakangiting sabi nito.
“Ang yabang ng kasama mo!” nanggagalaiting wika ni Tiel. Masama pa rin ang tingin nito sa lalaking nagpaiwan sa di kalayuan.
“Mabait naman yan!” natatawang sabi pa ng lalaki at nagtaka siya dahil kinindatan siya nito.
She winked back, akala yata nito ay wala siyang natatagong kapilyahan. Sa totoo lang, kahit saang anggulo tingnan malakas talaga ang dating ng lalaking ito.
“Umuwi na tayo.” yakag ni Tiel.
“Ang KJ naman nito, nasa itaas lang naman ang suite natin.” she rolled her eyes. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataong makilala ang lalaki. Sa tingin niya ay mabait naman ito. Dahil nahulog siya sa malalim na pag-iisip, halos hindi niya napansin na napaparami na ang paglagok niya ng Soju kaya nakakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo.
“I’m still sober my friend.” hindi niya mapigilan ang mapahagikhik. May kung anong kapilyahan siyang naisip. At sigurado siyang kayang-kaya niyang gawin.
“Your friend is right. Lasing ka na. Mabuti pa ihatid ko na lang kayo sa suite ninyo.” alok ng lalaki. Maingat siya nitong inalalayan para makatayo.
‘Sige lang, lapit ka pa. Lagot ka sa akin.’ pilyang wika niya sa sarili. Pinapungay niya ang mata at tumingin sa mukha ng lalaki. Nakita niya ang bahagyang pagtangis ng mga bagang nito.
Nauna sa kanila si Tiel habang inaalalayan siya ni Evan sa paglalakad. Bahagya niyang inilayo ang sarili kay Evan and she pretended that she was out of balance, bumilib siya sa lalaki dahil maagap ito. Kinuha nito ang kanyang kaliwang kamay at ikinawit sa balikat nito.
‘This is it!’ lihim siyang napangiti. Kung alam lang nitong hindi naman talaga siya sobrang lasing.
“I…I can’t go on.” aniya na tila nanghihina.
“Lasinggera.” bulong ni Evan subalit dinig na dinig niya. Napilitan itong ipulupot ang kamay sa kanyang bewang niya upang tulungan siyang makapag-balanse. Samantalang masama ang tingin sa kanya ni Tiel nang lumingon ito.
Naramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na higaan. Nakaalalay pa rin sa kanya si Evan. Pasimpleng iminulat niya ang isang mata upang tingnan ang ekpresyon ng mukha nito, he was caught unprepared when she suddenly pulled him down dahilan upang mapasubsob ang mukha nito sa unan sa kanyang tabi na halos isang dipa lang ang layo sa kanyang pisngi.
“Shit!” mahinang usal ng lalaki. Mabilis itong tumayo at lumabas ng kuwarto kasama si Tiel.
She mischievously bit her lower lip.
‘Success! That was tsansing technique number one.’ Pilyang wika niya sa sarili bago siya nakatulog ng mahimbing.
BINABASA MO ANG
REAN'S MISCHIEF (OPLAN: GET EVAN) PHR
RomanceRean Sabordo is definitely the queen of mischief dahil maingat na pinagpaplanuhan niya ang bawat detalye ng ginagawang kapilyahan. At si Evan ang unang nakatikim ng kanyang pamosong 'Tsansing technique number one.' She can't blame herself for doin...