Chapter 3: Shoulder to cry on
Kylie's Pov
"Salamat jihyo.. hanggang dito nalang." Sabi ko at bigla syang tumawa
"Kanta yun ah? Dito kana?" Tumawa rin ako
"Oo eh. A-ano bukas nalang?" Nahihiyang sabi ko. Syempre kani kanina lang kami nagkakilala nu.
"Oo sge pasok kana.." sabi nya
"Hindi papasok ako kapag umalis kana.." ngumisi sya at umiling
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka pa pumapasok." Napakamot ako sa ulo at umiling
"No. Di ako pinanganak na bastos jihyo kaya please.." natatawang sabi ko
"Oo na.. ang kyut mo. Sge aalis na... teka? Umaambon?" Aniya at itinaas ang palad habang nakatingin sa langit. Napagaya naman ako at unti unting ngang lumalakas ang ulan.
"Hala jihyo! Pasok ka muna samin mauulanan ka!" Tarantang sabi ko
"H-hindi na nakakahiya.. may payong ako--" lumakas na ang buhos ng ulan kaya hinila ko sa tabi ko si jihyo
"I won't let you. Kapag nagkasakit ka magaalala lang ako. Tara wag kang mahihiya.."
Wala na syang nagawa kundi magpahila sakin. Pagkapasok ko ay ang tahimik kaya nagtaka ako. Nasaan ang mga tao rito?
"Upo ka muna dyan jihyo hahanapin ko lang sila mama.."
"Ang yaman nyo pala kylie.. akala ko mahirap ka din. Ganito nalang ba lagi?" Aniya bigla kaya napatingin ako sakanya. Nakatulala sya sa flower vase naming nakadisplay na galing pang Italy. Si mama naman kasi dinidisplay pa ang mga ganitong gamit.
"H-ha? Hindi naman masyado.. masipag lang pamilya ko, b-bakit?" Parang naoffend ata ako dun. Nanlaki mata nya at napatingin sakin bumalik ang ngisi nya
"W-wala! Wag mo kong intindihin.. ganito talaga ako parang sira. Nanibago lang siguro ako.. hindi kasi kasing gara ng bahay nyo ang bahay namin.." aniya at nahihiyang kumamot sa batok
"M-mahirap lang kayo?" Bigla kong natanong na nagpapawi sa ngiti nya.
"Mahirap pa sa daga kylie bakit mo natanong? Kapag ba nalaman mong mahirap ako.. iiwasan mo rin ako?" Malungkot na sabi nya. Napaayos naman ako ng tayo. Namemersonal na nga yata ako.
"Hindi naman sa ganon.. hanapin ko lang si mama." Sabi ko at dali daling pumuntang kusina baka sakali nandoon si mama pero letter lang nakita ko don.
Nak.. alis muna ako ha? Pupunta ako sa kumare ko
yung anak nya kasi nasugod sa hospital kasama ko
si Marie. Mamaya pa ako makakauwi. Hintayin mo
ang kuya mo ah! Lock mo mga pinto at wag ka mag
papasok ng kahit sino! - Mama loves youNapahawak nalang ako sa noo. Wala kaming kasama ni jihyo bukod saaming dalawa. Napatingin ako sa bintana. Sobrang lakas ng ulan at humahangin pa. Diko naman pwedeng paalisin nalang bigla si jihyo.. pero hindi ko pa gaanong kilala para magtiwala. Pero talaga kasi.. ang bastos ko naman kapag ganon. Bahala na nga.
Kumuha ako ng makakain bago pumunta sa sala. Naabutan ko naman syang tahimik na nakaupo dun. Napakaseryoso ng mukha nya habang nakatulala. Napalunok ako dahil mas gumagwapo sya kapag nakakunot ang kilay. Nung makita nya ako ay kaagad syang umayos ng upo kaya tumawa ako ng mahina.
"N-nagabala kapa kylie. Hindi naman ako nagugutom..." aniya
"Hindi kumain ka. Hinanda ka ito oh.. please? Para nadin sa paghatid mo sakin rito. Naabala kapa dahil sakin.." nahihiyang sabi ko. Napaawang ang labi nya at umiwas ng tingin sakin
BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Ficção Adolescente(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...