Rebel thirty-six!

26.9K 628 59
                                    

Pagtatapos

.

CHASTY --

Pagkalipas ng isang linggo ay nadischarge na ako sa hospital. Dinala ako nina Mama at Papa sa bahay ng mga magulang ni Mama,dahil nga matagal ng walang nakatira dun,ay dun na kami titira.

Inamin na ni Keyven sa lahat na ako ang mahal nya,maraming umalma dahil kawawa daw si Analiese. Ngunit sinabi ni Keyven na si Analiese lang naman ang nag a-assume sa lahat at nagbibigay ng false hope sa mga tao. Umiyak si Analiese,madami ang naki simpatya sa kanya,nagalit ang Dad nito kay Keyven ngunit hindi na niya ito binigyang pansin,hindi daw nya kailangang ipilit dito ang isang pagkakamali.

Masaya ako na maayos na ang lahat. Masaya ako na kasama ko dito sa Pilipinas ang aking pamilya. Ngunit hindi din maialis sa akin ang lungkot,ng dahil sa akin ay bumaba sa pwesto si Papa bilang Prime minister ng Korea. At kung nasaan man si Ky ngayon,ang Diyos na ang bahala sa kanya. Ngunit sa tingin ko hindi ito papalampasin nina Chase at Keyven.

Ang sabi sa akin ni Jaigo,palihim daw na hinahanap ni Keyven si Ky,ganun din si Chase,pero sa tingin ko naman ay wala na sa bansa si Ky.

"Oh? Bakit tulala ka dyan?" ang puna sa akin ni Chase,nandito ako sa garden at hinihintay ang tropa at si Keyven,nakapangalumbaba ako sa mesa at panay ang buntong hininga.

"Wala. Iniisip ko si Papa,nahihiya ako sa kanya." ang sagot ko. Tumabi sa akin si Chase at hinapit ako.

"Sus,huwag mong isipin yon,mas mahalaga kay Papa ang pamilya nya. Saka bago sya bumaba sa pwesto ay naiayos na nya ang lahat. Huwag kang mag alala,nasa mabuting kamay ang korea,hindi magtatagumpay ang mafia sa gusto nila." aniya at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri nya.

"Kailan ba ito matatapos Chase? Pagod na ako." ang sabi ko at pumikit. Humilig ako sa dibdib ng kapatid ko.

"Pag nawala na ang leader ng Mafia. Paniguradong titigil sila. Kasi alam mo sa kanila,trayduran yan. Si Ky,hindi nya minana ang pagiging leader,pinatay nya ang leader kaya sya ang namuno. Pero kung sya ang mawawala,mag aagawan ang mga mafia sa posisyon nya,sila sila ang magpapatayan at hindi na nila iintindihin pa ang mga naiwang gawain ni Ky." mahabang sagot ni Chase.

Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil dun. Naisip ko si Ky,ang maganda naming simula,ang gwapo nyang mukha,ang pagiging mabait nya. Siguro nga mahal nya ako pero sya yung uri ng taong romantiko,gusto nya ako kaya ginamit na din nya ako at binaboy. Nagsisisi ako na hiniling ko sa kanya na pasukin ako,pero alam kong hindi ako matino nun dahil sa ininom kong gamot. Na provoke lang siguro sya dahil sa inis sa akin. Kung nagkakilala siguro kami na hindi sya leader ng mafia,maaring isa na sya sa pinaka malapit na tao sa akin.

"Uhm,may lakad kami ni Keyven pagkatapos tumambay ng tropa dito. Pupunta kami sa parents nya." ang sinabi ko na lang dahil ayoko ng pag usapan si Ky.

"That's good. Kailan ba mamamanhikan yang si Keyven? Nahihiya lang magsabi sayo sina Mama at Papa pero gusto na nilang makilala ang pamilya ng boyfriend mo." ani Chase na alam kong ikinapamula ng mukha ko.

Ang isiping mamamanhikan si Keyven at ang pamilya nya ay sobra sobra na. Para naman akong babae nun. Kailangan pa ba iyon sa ganitong uri ng relasyon?

"Kailangan pa ba yon? Hindi naman ako babae!" sabi ko. Tumawa si Chase at ginulo ang buhok ko saka tumayo.

"Kailangan yon. Oh sya baka gising na si Chael." at naglakad na ito papasok sa bahay.

Ako naman ay tumayo na din dahil nainip na ako. Ang tagal yata nila?

Lumabas ako para makapag ikot,medyo magaling na din naman ang mga sugat ko kaya okay na siguro na lumabas muna ako.

Naisipan kong magpunta sa playground,gusto kong makakita ng mga batang naglalaro,bagay na hindi ko nagawa nung bata pa ako.

Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon