Dedicated to @EverHeardOfMe dahil hindi pa rin siya natatanggal sa Science Class. Hahaha, sorry kung late na ang gift ko, kambal, ngayon ko lang naisip. Wahahaha! Sorry din kung pangit, its the thought that counts naman eh, kung pangit ang kinalabasan nito meaning pangit ka rin. Hahaha, peace! (^___^)v
Kalokohan ko lang po ito, hindi ko kayo maa-assure na maganda itong story, bago palang po kasi ako sa mga short story eh. Hahaha.
»»»»»»»»»»°°°««««««««««
"Okay class, turn your books on page 123 and answer letters A,B, and C for 50 minutes and write them in your english notebook then we'll check your answers." Sabi ng teacher namin sa English bago lumabas ng classroom.
Hehehe, madali lang toh. Parang review lang naman ito ng mga lessons namin nung elementary eh. Makasagot na nga para matapos rin.
30 mimutes pa lang ang nakakalipas pero tapos na ako. What can I do? Favorite subject ko ang english eh, ang dali-dali kaya. Nakakapagtaka nga dahil halos majority of the class ay nakakunot na ang noo habang sinasagutan ang mga katanungan sa libro.
"Huy, naaalala mo pa 'to?"
"Aba malay ko? Di ko nga alam kung pumapasok ba ako noon sa klase namin ng english eh..."
"Na-brainwash ako nung grumaduate ako ng elem noh."
"Uy, may sagot si panget! Pakopya ha?"
"Kami rin!"
"Ang ganda mo talaga kahit sa totoo panget ka, pakopya ha? Thank you!"
"Uy, pangit, libre ka namin mamaya basta pakopyahin mo lang kami."
"Panget! You our hero!"
"Ulol! You're yun!"
"Mahina nga ako sa english!"
Hay, buti nalang di ko sinabing tapos na ako. Kawawa naman si Shyla, tinawag na ngang panget, ginawa pang answer key. Haaay...
Ako nga pala si Breeze Antoinette Madriaga, 13 turning 14, and a 2nd year high school student. Nickname? Breeze to my classmates and BAM to my crush. Yes naman, may tawag siya sakin. BAM daw kasi galing sa initials ko. Hihihi. Eke ey kenekeleg. Kilikili power! Hahaha! Korni. =_________=
Anyways, heto ako sa likuran ng notebook ko at gumagawa ng poem about Gian, my crush that calls me BAM. Kunwari sinasagutan ko yung questions sa book para di ako madamay sa mga kaklase ko, paano pag nahuli sila ng teacher edi damay pa ako diba? Kaya nga mas magandang lumayo-layo muna eh.
"Exchange your notebooks, clockwise!" Sabi nung teacher namin ng makabalik sa classroom. Nagkanya-kanya naman sila ng reaksyon.
"Wait lang ma'am!"
"Huy, ipasa mo na oh! Nagsusulat ka pa dyan!"
"Wait lang, ano ba! Nagsasagot pa eh!"
"Huy, bilis!"
"Oo na! Patapos na!"
"Ma'am! 5 minutes nalang po!"
"P*nyeta, nagmamadali?!"
"Bakit mo kinuha yung notebook ko?! Di pa nga tapos eh!"
"Ang bagal mo kasi eh!"
"One!" Sigaw ni ma'am kaya napatigil sila at napilitang ipasa ang mga notebooks nila.
"Two!... Three!..." Umiikot na ang mga notebooks namin. Nawala ako sa bilang kaya di ko alam kung kanino mapupunta ang notebook ko.
"...Four!... Five!... STOP." Kasabay ng pag-upo ng teacher namin ang pagtigil ng mga notebooks sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Exchange Your Notebooks (One Shot)
Short Story"Exchange your notebooks, clockwise..." Exchange your notebooks daw, baka naman reveal your feelings to your crush? ;))