Chapter 18

192 4 2
                                    

Chapter 18

"B-Blake,"

Nilingon lang naman ako ni Blake. 'Yong mukha niya, walang emosyon.

"Galit ka ba sa 'kin?" tanong ko with matching turo sa sarili ko.

"Bakit naman ako magagalit sa 'yo?"

"Dahil hindi ko sinabi sa 'yo na ex ko si Kane."

"Hindi naman ako galit na ex mo si Kane. Ang ikinatatampo ko lang 'yong hindi mo manlang sinabi sa 'kin na may ex ka na pala." cold na sabi nito.

Nahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Hala ka? Nagtatampo ang fafa niyo? Ano'ng gagawin ko para magkabati na kami?

"Sorry na... sorry kung hindi ko naik'wento sa 'yo kasi ang daming nangyari sa 'tin nitong mga nakaraang araw. Saka, hindi ka naman nagtanong kung may ex na ba ako, eh..." nakayukong paliwanag ko.

"Tsk."

"Sorry na po? Hubby naman, eh! 'Wag ka nang magtampo dyan!" pagmamaktol ko.

Napatingin naman sa 'kin si Blake na para bang kinilig siya nang tawagin ko siyang Hubby.

Sus! Si Blake isang tawag ko lang ng Hubby bibigay na kaagad!

"Hubby, sorry na... please,
Hubby?" lambing ko.

Bigla itong ngumiti nang matamis.

Ha-ha! Ikaw talaga, Blake!

"Bati na tayo?"

"Okay. Hindi na ako nagtatampo." sabi niya.

"Sus, kulang ka lang pala nang lambing ko!" sabi ko sabay tawa.

Huminga si Blake nang malalim. "Madz, I have a question,"

"What?"

"Bakit ba kayo nag-break ni Kane? Where did you meet? Ilang months or years 'yong relationship niyo?" seryosong tanong niya.

Natawa ako. Hala, na-curious siya?

"Nakilala ko si Kane sa dati kong school na pinapasukan," panimula ko.

"Then?"

"Hmm... magkakaklase kami no'n nila Cara at Nina. 'Yon na nga... naging magkaibigan kami tapos, isang araw, nanligaw na lang siya sa 'kin bigla."

Naupo kami sa isang bench dito sa park na malapit sa mall.

"Pumayag naman akong magpaligaw, s'yempre, g'wapo rin naman si Kane."

Tinignan ako ni Blake nang masama.

"Ayy! May itsura lang siya hindi siya g'wapo!" bawi ko sa sinabi ko. "Limang b'wan din yata siyang nanligaw sa 'kin no'n. At limang b'wan din yata kaming naging magjowa. Naging masaya naman kami kaso, isang araw, nakita siya ni Cara na may kasamang babae. Ang sweet daw nila."

Huminto ako sa pagk'wek'wento.

Ano ba 'to! Bakit parang naiiyak ako 'pag naaalala ko 'yong mga nangyari sa 'min ni Kane noon?

"Edi, kinausap ko siya. Nagalit siya at nakipag-break sa 'kin. Sinayang niya lang daw 'yong oras niya sa kagaya kong hindi niya deserve. Isang taon din yata bago ako naka-move-on sa kanya kasi... siya 'yong first love ko..."

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Blake 'yong mga kamay ko.

Omegesh! Parang naging yelo tuloy ako dahil sa ginawa niya!

"Thanks," anito.

Kumunot 'yong noo ko. "T-thanks? Para sa'n?"

"Salamat sa lahat, Madz. Thanks for loving me back. Thanks for being my Wifey. Thanks for being my happy pill. Thanks for being my life." nakangiting sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

P'wede na ba akong himatayin ngayon dito?! Omegesh! Mamamatay na yata ako sa sobrang kilig ngayon!

Ano ba, Blake... thanks for everything too.

"A-ano ba 'yang pinagsasabi mo?!"

"I just wanna thank you for everything." Ngumiti ulit siya. "Just remember this, hindi mo deserve si Kane. You don't deserve a man like him. You deserve someone better. Better na deserve mo. A man who will give his life just for you. And I'm willing to give my all even my life just for you. I really, really, love you, Madeline." mahaba at nakakakilig na sabi ni Blake.

Napatulala ako dahil sa mga sinabi niya.

I really, really, love you? Omegesh! He likes me? No, he's in love with me! Taray, English!

"B-Blake naman! Bakit ganyan ka?!" irita kong bulyaw.

"W-why?"

"Masyado mo akong pinapakilig! Nakakainis! Wala na bang bukas 'yang pagpapakilig mo sa 'kin?!"

Tumawa naman siya. "Kaya kitang pakiligin kahit araw-araw pa."

"Sus, magtigil ka nga r'yan! Tandaan mo 'to, salamat at minahal mo ako. Salamat at pinapakilig mo ako. Mahal din naman kita, Blake. Pero, sa ngayon, getting to know each other na muna tayo, okay?"

"I love you more." bulong niya sabay yakap sa 'kin.

Omegesh!

"'Wag mo nga akong yakapin! Ang daming taong nakatingin sa 'tin, Blake!"

"I don't care."

"Ano ba! Bitiwan mo ako!"

Inalis na niya 'yong pagkakayakap niya sa 'kin. "Let's go home, Wifey?"

Tumayo na kami sa pagkakaupo. Napangiti naman ako nang hawakan ni Blake 'yong kamay ko.

"Okay!" masayang sagot ko.

***

A/N: One of my fave chapter na naman! Ano ba 'yan, ewan ko ba bakit ako kinikilig sa gawa ko. Is that normal ba pa? Hahaha! Whatever! Anyway, thankies for reading! I hope y'all enjoy reading this chapter! Love lots! ☺❤

Unexpected Attitude Of My Fake HusbandOù les histoires vivent. Découvrez maintenant