Kaibigan lang kita
Oo , kaibigan lang kita
Pero bakit nasasaktan ako tuwing nakikita kitang may kasamang iba
Kaibigan lang ba talaga ang tingin ko sayo?
Normal lang ba talaga ang nararamdaman ko ?
Kaibigan! Gusto kong sabihin sayo na nasasaktan ako
Pero tang*na alam kung wala ako sa posisyon para maranasan to
Dahil kaibigan mo lang naman akoKaibigan na hindi mo kayang mahalin
Oo , inaamin ko sa sarili ko na hindi na kaibigan ang tingin ko sayo
Bagkus isa kanang munting bituin ,
Na gusto kung abutin
Pero malayo na kitang maabot ,
Malayo na dahil may na una na sakin
Alam kong masaya ka sakanya kaibigan
Dahil tuwing kwenikwento mo siya sakin ,
Nakikita ko sa mga mata mo na siya na na talaga ang magpapasaya sayoKaya kaibigan isasawalangbahala ko itong nararamdaman ko
Dahil una palang wala ng patutunguhan to
Ang daya naman kasi ni cupido
Dalawa tayo , bakit ako lang yong tinamaan
Ako lang ang namilipit sa sakit na dulot ng pana niya
Kaya kaibigan susubukan kung tanggalin , Ang pana ni cupido na nakaturok sa dibdib ko
Upang mawala ang kirot nito
Kaya kaibigan asahan mong lalayo muna ako
Dahil gusto kong maghilom ang sugat sa dibdib ko
Kaya kaibigan paalam muna sa ngayon💙