Sabi nila, maaaring totoo daw ang konsepto ng Multiverse. Hindi mo ako masisisi kung naniniwala ako dito - mukhang ito na lang ang last resort ko.
'Sana sa ibang uniberso, itinadhana naman tayo.' Isinulat ko sa dulo ng papel. "Vera?"
"po, ma?"
"Nasa labas si Ytan." Napasimangot ako sa banggit ng pangalang yon. "Dali na, lumabas ka na. Wag mong pag intayin ang bisita."
Napabuntong-hininga na lang ako. "Sige po, ma. Susunod na po." Napatingin uli ako sa sinusulat ko sabay kuha ng ballpen.
'Dahil sa unibersong ito, may nagmamay-ari na sa pagkatao ko.'
Tumayo na ako sa lumabas sa pinto. Haharapin ko na naman ang masaklap na realidad ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Multiverse Theory
RomanceThe multiverse theory states that there may be other universes aside from own. Sa mga unibersong ito, naiiba ang realidad - maaaring malapit lang sa ating nararanasan at maaari ding ibang iba. Sana sa ibang uniberso, tayo ang tinadhana.