The Song

360 19 23
                                    

Unang araw pa lang minahal na kita aah~

Bakit ba, ganito ang aking nadama

Di man kita lubusan pang kilala

Eh, ano naman? Basta mahal kita aah~



Agad akong napatigil sa pagsusulat nang marinig ang kantang iyon.

Malungkot akong ngumiti.


That Song. The song that always reminds me of him.


My first crush.

First love.

And first heartbreak </3


Ang totoo niyan, medyo malayo ang kwento ng kantang CLASSMATE sa kwento ko. Intro lang talaga nito ang may pagkakapareha.

Tuwing pakikinggan ko kasi ang kantang ito, siya ang naaalala ko.


~~~

YEAR 20*

Nasa Quadrangle kami ng school nang umagang iyon. Monday kasi kaya may flag ceremony.

4th year high school na ako ng panahong iyon. Naka-fall in line kami habang hinihintay magsimula.

Nasa bandang likuran ako ng pila kasi ako ang pinakamatangkad sa mga babae sa klase namin.


Lumingon ako sa paligid ko. Nakakainip. Ang tagal kasing magsimula.

Nakita ko si Tita. Ang Principal ng school kung saan ako nag-aaral. Lumapit ako sa kanya para magmano.

Pagkatapos kong gawin yun ay tsaka ko lang napansin na may kasama siya.

Kausap niya ito. Parent ata ito ng isang estudyante dito.

Nagpaalam na ako kay tita. Pero bago ako tuluyang makatalikod ay nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nasa bandang likuran ngbabaeng kausap nga ni tita.


Sa tingin ko ay magka-edad lang kami. Napalingon ito sa akin at nagtama ang aming mga mata.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi kaya agad akong tumalikod at bumalik sa pila.

Wala pang isang minuto mula ng makabalik ako ay naramdaman kong may kumalabit sa akin.

Agad akong napatingin rito. At ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino iyon pero hindi ko ipinahalata.


"Ito ba ang pila ng 4th year?" tanong ng binatang naka-suot ng uniform ng school na ito.

Ngumiti ako at tumango.

"Salamat." tugon nito at ngumiti bago naglakad paharap.


Mas marami kasi ang bilang ng 4th year girls kaysa sa 4th year boys kaya hindi pantay ang pila namin.


"Kung ganun, kaklase namin siya??" tanong ko sa sarili.

"Oo, ang cute niya noh?" sagot ng taong nasa likod ko. Si Clyne. Ang matalik kong kaibigan at kaklase.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"Hindi, hehe. By the way, crush mo?"

"Ha?"

That SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon