One Hello

10 0 0
                                    

Sa MRT habang nakaupo si Kaye ay napalingon siya sa kaliwang bahagi. Di siya mapakali dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa tingin ng lalakeng nakaupo din. Ngunit naputol ang nararamdaman niya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello! asan ka na?" bungad ng babae sa kabilang linya.

"on the way na ako, Nica. MRT na ako". sagot niya sa babae.

"okay, kanina pa kami dito nina Brick" palakas na sambit nito sa kanya.

"sorry ha pero malapit na ako, santolan station na kami". paliwanag niya sa kausap.

"sige, abangan ka na lang namin dito sa entrance ng mall ha.." sagot ng babae sa kanya sa kabilang linya.

'okay, thank you". huling sambit niya bago ibaba ang cellphone.

Habang inaayos ang sarili ay bigla siya uling lumingon sa kaliwa niya't nakitang nakangiti na ang lalakeng kanina'y iba  ang nararamdaman niya pero ngumiti rin siya.

Sobrang kaba niya. Di niya mawari ang kabang nararamdaman. Pero pilit niyang kinondisyon ang sarili. Naging mahinahon itong tumayo at tumungo malapit sa pinto ng tren dahil sa susunod na station na siya baba. Makaraan ang ilang minuto ay huminto na ang tren at agad siyang lumabas. Dali-dali siyang naglakad dahil pakiramdam niya ay nakasunod ang lalakeng nakangitian niya sa loob ng tren.

Habang nakapila palabas ay nabigla siya sa narinig mula sa likuran niya. Napalingon siya at nabigla sa nakita, ang lalakeng iniiwasan niya kanina pa.

"Hello, Miss". pagbati ng lalakeng kasunod niya sa pila.

"pwede makipagkilala?" tanong ng lalake sa kanya.

Pero patay-malisya lang siya. Kunwari ay may ginagawa siya s kanyang cellphone. Hanggang makalabas siya ng station at mabilis na naglakad. Dumoble ang kabang nararamdaman niya. Di niya maipaliwanag ang kabang sumasabay sa bilis ng pagtapak ng kanyang mga paa.

Makaraan ang ilang minuto ay napahinto siya ng di niya namamalayan dahil sa kaharap na lalake. Umangat siya ng tingin at kumunot ang noo niya.

"Yes!? mataray niyang tanong sa lalakeng kaharap. Pero nakangiti lang lalake sa kanya. Doon niya napansin ang itsura nito- bigla siyang kinilig dahil mas gwapo ito ng malapitan. Ngunit naputol ang kilig na 'yun ng biglang magsalita ulit ang lalake.

"sabi ko kanina, pwede bang makipagkilala sa'yo?" mahinahong sambit nito sa kanya.

"bakit? maang na tanong niya.

"kasi gusto ko, i mean, gusto kitang makilala". paliwanag nito sa kanya.

"okay, my name is Kaye Acosta". pormal niyang pakilala.

"wow, beautiful name. Bagay sa angelic face". nakangiting sambit ng lalake sa kanya.

"wow ha, bolero agad". patawang sagot niya sa kaharap.

"so anu naman ang pangalan mo?" sunod niyang sambit sa lalake.

"I'am Alvin, Alvin Peralta." buong pagpapakila rin nito sa kanya.

"Okay, nice to meet you, Alvin. Need to go!" paalam niya sa lalake.

"Naghihintay na kasi mga kaibigan ko. Bye!" patakbong sambit sa lalakeng nakangiti pa din.

Kumaway lang ang lalake sa kanya. Bigla na lamang siyang kinilig ulit. Pakiramdam niya masayang masaya siya ng walang dahilan. Sa sobrang tuwa niya nakabangga siya ng batang lalake.

"ay, sorry!" paumanhin niyang sambit sa batang kaharap.

Ngunit nakangit lang medyo may kalusugang batang lalake.

Samantala sina Nica at Brick ay naiinip nang naghihintay sa isang coffee shop sa loob ng mall. Bago pa man maubos ang kanilang pasensiya ay dumating na si Kaye.

"sorry guys, super late ako". hingal na sambit nito sa mga kaibigang nakasimangot na.

"please! Peace...." may paglalambing sambit nito sa dalawa sabay yakap ng mahigpit.

"okay, ikaw taya sa lunch natin". nakangiting sambit ni Brick.

"yun lang pala eh, go!" masayang pag-sang-ayon sa kaibigang si Brick.

"tara na, late na tayo". paalalang sambit ni Nica sa dalawa.

"oo nga, hala...." alalang sambit ni Kaye sa mga kaibigan.

Sabay-sabay na kumaripas ang tatlo mula sa loob ng coffee shop. nakikipag-unahan sila sa escalator para mahabol nila ang oras ng pagpapalabas ng kanilang inaabangang pelikula.

Lahat silang tatlo ay mahihilig sa peilikula lalo kung ang tema ay love story regardless  sino pa ang bida.

Makaraan ang ilang minuto ay narating nila ang sinehan. Sabay pila dahil saktong nagpapasok na para pelikulang ipapalabas. Habang nag-aayos si Kaye ng kanyang bag ay bigla siyang napalingon sa kanang bahagi ng kanilang kinatatayuan. Namula at nabigla siya sa nakita. Habang ang nakita niya ay panay ang sabi ng mga salita kapareho ng kanilang unang pagkikita kanina.

"Hello". sambit ng lalake sa kanya. Pero tahimik pa din siya. di siya makapaniwalang ang lalakeng nakilala niya kanina ay nandito rin sa sinehan.

"Hello". ulit ng lalake. Bumalik lamang ang kanyang ala-ala ng hilahin siya nina Nica at Brick papasok ng sinehan.  Kaya naman kaway na lamang ang kanyang nagawa sa lalakeng panay ang bati sa kanya ng "Hello".

Hanggang di na niya makita ang lalake at tuluyang na silang kinain ang medyo may kadiliman sa loob ng sinehan dahil saktong magsisimula na ang palabas. Pero di pa rin mawala sa kanyang isip ang mukha ng lalakeng panay ang sbi ng "hello" sa kanya.

Habang nag-iisp siya ay bigla siyang nakadama  ng kaunting kilig. Dala ng pagiging fanatic sa love story movies ay naglaro ang kanyang imahinasyon. Nilipad siya ng kilig na nadarama dala ng salitang "Hello".

Ipagpapatuloy.....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One HelloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon