1. I am The Mistress

156 1 0
                                    

"Tangina mo! Gaga kang malandi ka! Hayop! Anong ipinangako sayo ng asawa ko? Haliparot ka!" Umiiyak na sumbat sa akin ni Cely.  Hawak hawak sya ng mga lay minister sa simbahan.

Oo eto. Nakatingin sa akin ang lahat ng tao na nasa simbahan. Wala e. Dito nya naisip mag eskandalo.

"Ang lalakas ng loob nyong magsimba! Di mo ba alam na kasalanan sa Diyos yang ginagawa nyo?" Sabi naman ni Jun, ang panganay na anak ni John.

Oo. Pumatol ako sa may asawa.

At eto. Dala dala ko sa sinapupunan ko ang anak namin ni John.

Maayos akong nagpunta dito sa simbahan sa Antipolo. Upang ipagdasal ang kalagayan ko. Hindi ko naman akalain na nandito pala ang asawa ng kinakasama ko. At eto, nagkaroon tuloy ng eskandalo.

Nanatili lang akong tahimik. Di ako nasagot sa mga sinasabi nila. Wala naman silang alam. At ang mga katulad ko, walang karapatang ipagtanggol ang aming sarili. Una, dahil wala kami sa katwiran. Pangalawa, mali talaga ang ginagawa namin. Pangatlo, walang makikinig sa amin.

At higit sa lahat. Kagaya ng kasabihan, labag sa mata ng Diyos ang aming ginagawa.

"Wala po akong masasabi sa inyo. Aalis na ako". Sabi ko at tumalikod na sa kanila.

"Bumalik ka rito! Malandi ka!" Sigaw pa ni Cely.

Di ko na pinansin. Ayokong makita nilang naiiyak ako. Ayoko. Di ko kasi ugaling ipakita sa mga tao na mahina ako.

Panganay ako sa aming anim na magkakapatid. Ipinanganak akong merong nakakain, may nakukuhang pasalubong kay daddy pagkagaling sa trabaho. Ngunit ng magkasakit si daddy, napatigil ito sa pagtatrabaho. Napatira kami nila mommy sa isang bahay na parang sapin sapin lang ng mga dahon ng nipa, sa tabi ng simbahan ng aming baranggay. Mag isang kumakayod si mommy para sa amin. Minsan ang ulam namin ay dalawang pirasong galunggong na paghahatian namin anim na magkakapatid at syempre ni mommy at daddy. Kadalas di na ako kumakain kasi mas gusto kong unahin muna ang mga kapatid ko.

"Anak, kumain ka na. Sumabay ka na sa mga kapatid mo". Sabi ni mommy.

Lord, dalawang galunggong lang ang ulam. Kung kakain ako, may makakain pa ba mga kapatid ko?

"Sige my, kayo muna. Mamaya na ako. Di pa naman ako gutom" sabi niya. Ngunit ang totoo nahihilo na talaga sya sa gutom.

"Anak mamamayat ka nyan e" sabi ni mommy.

Lihim syang napatawa. Kasi kung tutuusin, kahit di na sya nakain, di sya namamayat. Ang baboy nyang tignan. Kaya nga di pa sya nagkakaboyfriend.

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon