Maymay's POV
"Make sure to discuss it with your designated house after classes and decide on what to present. By houses yan ha? Okay, class dismissed." Masayang pahayag ng prof namin.
"Do you think magka parehas tayo ng house, Tars?" Tanong sakin ng kapreng katabi ko.
"Alam mo Kaps, ok ring hindi eh. Wala ka namang ibang gagawin kundi asarin ako. Tsaka nasasakal na rin ako sa pagmumukha mo." At ayun na nga, tumatawa na siya. Tsk. Mukha namang di nag eenjoy itong kapre na to. Ilang buwan na kaming ganito. Hayy.
Sa tagal ng panahon, mas napapansin ko ang pagbabago ni Dodong. Wala ko namang ibang pwedeng pagsabihan ng lahat ng ito kundi si Donny. Bukod sa siya ang pinakaclose kong tao ngayon, wala rin akong choice. Kung di nga lang umalis si Kisses sa China eh di may makakausap ako tungkol sa mga ganito at hindi itong kapre na walang ibang hobby kundi ang inisin ako.
Ang mas nakakainis pa ay pag sinasabi ko sa kanya ang mga hinanakit ko, sasabihan lang niya ako, 'hindi naman siya ang huli kaya wag kang magdrama.' At sa hulihan, maghahabulan kami hanggat masabunutan ko si Kapre. Ha! Walang issue sakin yung height niya, fyi lang. Tatalunin ko lang siya tsaka kakapit ng mahigpit maka sabunot lang hahahaha sabi niya para nga akong tarsier eh. Yun, Tars na ang tawag sakin.
Pinuntahan na namin ang bulletin board para macheck kung alin sa Gryffindor, Slytherin, Hufflepuff at Ravenclaw ang houses namin. O diba? Potterhead din yung nag organize.
Gusto ko maka parehas ng house si Dodong para mapag usapan namin tong problemang ito. Halos di na kasi kaming magkasama.
"Tayo nalang partner, if magka house tayo." Sabi ni Donny. Nginitian ko nalang siya since normal yun na statement at walang halong kalokohan. Oo, minsan, nakakausap rin siya ng matino.
Una kong iniscan yung dalawang papel ng Hufflepuff na house at yun na nga, nandon si Dodong at ako. Nung inext page ko, nakita ko rin kay Donny pangalan. Nilingon ko siya nang nakangiti
"Magkahouse tayo, Tars." "Oo nga eh! Pati rin si Dodong." Mag hahigh five na kami nung hinila ni Dodong yung kamay ko.
Mukha siyang walang pake. Nasasaktan ako pero hindi ko sinabi.
"We will be partners." Tapos binitawan na niya yung kamay ko at umalis
"Dong! Bumalik ka nga dito!" Di na siya bumalik o lumingon man lang. Sinulyapan ko si Donny ng may pagpapaumanhin at nginitian niya ako.
"Ok lang. Kailangan niyo rin yan eh." Ngumiti pa siya para imake sure na ok lang daw siya.
"Sorry ha?" "Hindi, hindi. Ok lang." Tinapik niya yung balikat ko at pumunta na kami sa practice room ng Hufflepuff para sa foundation week ng school.
------
Mahal kita kasi ang pinili naming iperform ni Dodong. Ayoko nga non eh. Gusto ko ng may dance moves hindi lang yung magkanta sa stage at maglambingan o di kaya pure kanta lang, walang lambingan. Kaso yun yung gusto niya, eh di wala na akong nagawa. The whole time na nasa stage kami ay kakanta lang at gagawa ng mga pampakilig na actions. Yung kay Donny naman, ayun pa mysterious. Ayaw magpractice dito. Surprise nalang daw. Eh di wao.
Natapos na namin ang practice at gusto ko nang umalis kasi may lakad pa ako. Magpapaalam na sana ako kay Dodong pero pagtingin ko sa whole place, wala na siya. Kaya kay Donny nalang din ako nagpaalam.
"Ingat ka Tars ha? Baka may pagkamalan mong puno at talunin mo agad." Ginulo niya yung buhok ko.
"Tsk! Ikaw ha?! Kanina ka pa eh!" Right there and right now, tumalon ako sa kanya at sasabunutan na sana ang buhok niya pero unti unti yatang nagslaslant ang mundo.
Tapos sunod ko na lang na naramdaman ay kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ay ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig pero pagbagsak ng ulo ko sa isang kamay.
Nung binuksan ko ang aking mga mata, nakasalubong ko ang mga matang kadalasang may nangiinis na tingin, ngayon ay puno ng pag aalala. At sobrang lapit!
Halos wala akong ibang marinig kundi ang bilis ng pag tibok ng puso ko. Bushak naman to!
Agad kong tinulak si Donny, pero nakalimutan ko atang nakapatong ang ulo ko sa kanyang kamay na naging sanhi sa pagka out of balance niya.
"Oi! Wag niyo yan gawin dito! Pag mahuli kayo ng prof!!"
"Nice one Donny!"
"Bukas kasalan na yan!"
"WOOOOO!!"
"Patay kay Dodong ni Maymay!"
Samut saring reaksyon ng mga ka house namin sa pagdampi ng mga labi ni Donny sa baba ko.
Oo. Sa baba. Halos maluwa ko na yung mga mata ko kanina pa. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Wala na akong ibang nagawa dahil baka mas ikalala pa ng sitwayson.
Hanggang sa dahan dahan na inangat ni Donny ang ulo niya papalayo sa mukha ko. At dahan dahang tinggal ang kamay niya sa likuran ng ulo ko.
"So-Sorry." Sabi ni Donny nang di tumitingin sakin.
"Ako dapat ang magsorry." Pagtingin ko kay Donny, namumula yung tenga niya. Napangiti ako.
"Ang cute mo." Napatingin siya sakin ng may pagkabigla, ganun pa rin namumula. Ha? Bakit siya nakatingin? Tapos ngayon ko lang narealize.
"Malakas ba pagkasabi ko?" Napatanong ako bigla. Hayy ang pahamak ng bibig ko!
Tapos ngumiti narin siya.
"Ikaw ha? May lihim na pagnanasa ka pala sakin." Nag smirk siya
"Kapal ata ng apogs mo Kaps ha? Ikaw nga may pahalik halik ka pa sa baba ko, tsaka nung nahulog ako may pasalo ka pa ng ulo ko." Tapos nag tawanan nalang kami habang nag aasaran.
Bakit kaya lagi akong masaya pag kasama ko si Donny? Hayy
Kisses' POV
A lot of things have happened. And I don't want to repeat the same mistakes I did. Namimiss ko na si ate May.
I miss my one and only true friend.
Well, not long enough anymore.
Touchdown Philippines.
YOU ARE READING
Two Lovers Under God
FanficLove is all about waiting. about patience. Conveying how you truly feel may be hard at the moment. then you'd have to wait.