Mound's POV
Dinala kami ng aming paglalaho sa pintuan ng isang malaki at talaga namang kay gandang ospital. Maraming mga halaman at fountain sa paligid. Nakikita ko na maraming mga nagsisialisan na mga tao at mayroon ding nag sisipasok dito. Ang mga iba naman ay akay ng mga kung tawagin nila ay nurse palabas ng ospital sa mga kakadischarge pa lamang.
Kay galing ng iyong kapangyarihan Mandy, hindi ko aakalain na totoo ang nakikita ko, na narito na tayo sa ospital. Tugon nito na may halong pagkagulat at pagkamangha.
Hindi kayo niloloko ng inyong paningin dahil ospital nga ang nakikita ninyo. Anas ko sa ginang. Hinawakan naman nito ang isang kamay ko at pinisil ng bahagya.
Maraming salamat ulit sa tulong mong pagalingin ang aking anak. Hindi man ako makapaniwala sa mga magic mong taglay pero sana ay hindi ako biguin nito upang magamot ang aking anak. Galak na sabi nito. Gumanti ako ng hawak din sa kamay ng ginang.
Makakaasa po kayo, hindi ko po kayo bibiguin. Tugon ko sa kanya.
Kung gayon ay halika na, puntahan na natin ang aking anak. Naglakas na kami papasok ng ospital at sya ang nangunguna sa aming paglalakad.
Pagkapasok pa lang namin roon ay pinagtitinginan na ako ng mga babaeng nurse at naririnig ko sa kanilang isipan ang paghanga, pagkakilig o di naman kaya pagkagulat sa pagakakita sa akin.
Ang hirap talaga pag guwapo kang nilalang. Nababaliw sila sa aking kakisigan.
Ang guwapo talaga niya! Ang parating naririnig ng aking isipan mula sa kanilang mga isip. Ang iba pa nga ay tila napapakagat ng labi. Hayy ganun na ba ako ka hot at ka guwapo?
Ayy nako Mound wag nga sila ang intindihin mo. Baka umiral na naman yang kapusukan mo. May mahalaga kang kailangang gawin at iyon ang iligtas ang anak ng ginang na ito.
Tumigil kami sa office desk at tinanong ang namamahalang nurse doon. Hinayaan ko muna ang ginang na makipagusap sa nurse.
Ilang saglit pa ang nurse ay napatingin sa akin at tila nagtaka sa aking mukha. Pero bago pa man sya nagsalita ay inunahan ko na sya.
Mawalang galang na, alam kong hindi mo ako nakikilala dahil ngayon mo lang ako nakita. Isa akong malapit na kaanak nila kaya kung maari ba ay payagan nyo na kaming bisitahin sya? Sabi ko at napanganga sya at nabasa ko na tila hindi sya makapaniwala sa narinig dahil nasagot ko ang kanyang mga agam agam ng hindi pa nalalaman ang kanyang mga dapat sabihin.
Pasensya ka na sa kanya, may pagka weird talaga yang kamag anak namin. Ngayon maari ko na ba namin syang mapuntahan? Tanong ng ginang. Grabe naman yung weird, at least gwapong weird.
Ahh oo sige nandoon sya sa dati nyang room. Nauutal na sabi nito sabay lingon sa akin at basa kong muli na nahihiwagahan o naweweirdohan sya sa akin sabay balik sa ginagawa nya.
Pagkatapos ng ilang paglalakad ay nakarating na kami sa silid nito. Lumapit naman ang ginang upang haplosin ang bata. Naawa ako sa batang ito, may mga aparato na nakadikit sa kanya upang tulungan siyang makahinga. Walang malay ito. Hindi kumikilos ni gumagalaw. Nakadextrose and naka damit pang ospital din ang bata. Kahit na wala itong malay ay ramdam ko ang paghihirap nito sa dinadalang karamdaman.
10 taong gulang palang sya ay dala dala na nya ito. Lagi syang inaatake sa puso sa tuwing napapagod. Pang limang araw na syang narito sa ospital at ipinayo sa akin na kailangang maisagawa ang heart operation. Kaya nagtulong kami ng aking asawa upang magkaroon ng pera. Salamat sa Diyos dahil agad kaming nagkaroon nito kaya nga lang ay nanakaw ito ng Gravithief. Pagsasalaysay nito. Ramdam ko ang lungkot na dinadala nito.
Pero nagpapasalamat ako dahil nagkrus ang ating landas. Kahit na hindi mo nakuha ang pera ngunit mas higit pa roon ang kaya mo palang gawin. Pagpatuloy nito at hindi na napigilan na tumulo ang luha ng ginang na ito ngunit sa pagkakataong ito ay nababasa ko sa isipan ang pagkagalak.
Huwag na kayong maluha. Gagamutin ko na ang karamdaman ng inyong anak. Sabi ko sa ginang na nagpangiti dito at pinunasan na ang luha nito at pumunta sa isang tabi. Sisimulan ko na sana ng magsalita ito.
Pero paano kapag nakita tayo ng CCTV camera na gumamit ka ng kapangyarihan? Baka akalain nila na ikaw ay masama? Pag antala sa aking sisimulang paghilom.
Huwag kang mag alala. Kayang kaya ng aking kapangyarihan na iwaksi ang mga mangyayari ngayon mula sa ginagamit nilang CCTV. Ang tangi lamang nilang makikita ang iyong pagdalaw at paggising ng iyong anak. Paniniguro ko sa kanya. Hindi na muli itong umimik at naghihintay sa mga susunod na mangyayari.
Sinimulan ko na ang aking orasyon:
Naturilea Earthnalis Healeowa
Naturilea Earthnalis Healeowa
May lumabas na kayumangging dilaw na enerhiya sa aking mga palad at itinatapat sa dibdib nito. Maya maya ay pumasok ang enerhiya sa loob ng katawan nito.
At nang maramdaman ko na maayos na ang puso nito. Nakahinga na ako ng maluwag. Humarap na ako sa ginang.
Nahilom ko ang inyong anak. Ligtas na sya. Maari nyo na syang ilabas sa ospital na ito ngayon na ngayon din. Buong galak kong sabi sa kanya. Sa sobrang tuwa naman ay niyakap nya ako bumuhos ang masaganang luha nito.
Maraming salamat! Salamat talaga Mandy!! Kung hindi dahil sayo baka hindi ko na alam ang mangyayari sa akin pati na rin sa anak. Utang namin sa inyo to. Maraming salamat talaga sa kabutihang loob mo! Sabi nito habang humahagulgol sa tuwa.
Walang anuman po. Kahit man ako ay natutuwa dahil natulungan ko kayo. Kaya sana ipagpatuloy mo lang ang pagmamahal mo sa anak mo. Sabi ko sa kanya.
Maraming salamat talaga sa tulong mo. Paano ba kita mapapasalamatan? Paano ba ako makakaganti sa iyo? Tanong nito.
Hindi na kailangan. Wala na akong inaasam kung hindi ang magamot ko ang inyong anak. Ipangako nyo na lamang sa akin na walang sinuman ang makakaalam sa pagkagaling ng inyong anak dahil magiging palaisipan lamang ito sa kanila. Tinanggal ko ang mga naganap na ito mula sa cctv kaya ipangako po ninyo na hindi nyo ito ipapaalam kahit sa inyong anak. Mahabang kong bilin sa kanya. Ayoko lamang na malaman pa ng ibang tao ang tunay kong katauhan.
Pinapangako ko. Walang makakaalam nito maliban sa ating dalawa. Tugon nito.
Kung gayon ay mauuna na ako sapagkat malapit nang magising ang iyong anak. Maraming salamat at hanggang sa muli. Pagpapaalam ko sa kanya sabay laho.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...