"Please say yes to me Vega," lumuhod ulit ako sa harapan nya.
Nanginginig na ko, mahigpit na ang pagkakakapit ko sa mga bulaklak. Masisira talaga tong mga to pag di pa sya sumagot.
Nilingon nya silang lahat. Lumingon din ako. Malungkot ang aura sa loob ng hospital. Wala, nasayang lang lahat ng pinaghandaan ko, kung alam ko lang sa ospital ako mag popropose sana nalagyan ko muna to ng dekorasyon kahit simple lang para naman mainlove sya sakin.
"So lahat kayo may alam?" nanghihinang tanong nya.
Tumango kaming lahat.
Tumulo ang luha nya na agad din naman nyang pinunas ng kamay nya . "Alam din ba ng mga katrabaho ko?"
Walang sumagot sa kanya. Nilingon nya ko. "Ano Nigel? Alam ba nila?"
Tumango ako.
"So ako lang pala ang tanga dito? Na gabi gabi umiiyak, na araw araw nanghihina? Bakit Nigel? what makes you think i'm going to say yes?" mahinahon ang pagsasalita nya pero ramdam at rinig na rinig ko ang galit nya.
----
What makes me think that you're going to say yes?
Nangako ka sakin noon, nakalimutan mo na ba? sabi mo papayag kang magpakasal sakin pag 28 years old ka na, 28 ka na. Pakakasalan mo na ko tama?
---
"After 5 years yayayain na kitang magpakasal," ngiting ngiti akong nakatingin sa kanya.
Binilang nya ang taon sa mga daliri nya, 20, 21, 21, 23, 24.
"Hoy! 24 pa lang ano nun!"
"Oh? Ano naman?"
"28. 28 gusto ko."
"Bakit ikaw ba magpopropose?"
"Kahit na, di pa ko handa pag 24."
"Pag ba 28 handa ka na?"
Ngumiti sya. Napakatamis ng ngiting iyon.
"Promise ba yan?"
"Opo, promise. Iniisip din naman kita, gusto ko kilos misis na ko pag kinasal na tayo."
"Osige, basta pagka 28 mo, kasal agad."
"Grabe?"
"Nagpromise ka na."
"Oo na."
---
Oo mali ako ng hindi kita hinabol. Sa totoo lang Vega ilang beses kong sinubukang habulin ka, ilang beses kong sinubukang contact-in ka. Lagi akong dumadaan sa dati mong trabaho, minsan nakikita kita sa malayo, minsan hindi. Minsan tatawagan ko yung number ng company nyo para marinig yung boses mo, hindi ko alam kung alam mo ba yun.
Nung araw na bumitiw ka ay yung araw na tatapusin ko na ang paghihirap mo.
Tama ka na kahit kailan hindi kita pinangarap kasi simula't simula pa ikaw na mismo ang pangarap ko. Ikaw lang at wala ng iba. Ginagawa ko lahat para sayo.
Nagulat lang ako na ang bilis mong magdesisyon. Nagulat ako na kaya mo palang wala ako sa buhay mo. Nagulat talaga ako Vega. Hindi ko na sinabi sayo na plano ko ng huminto sa pag se-seaman. Hindi ko na lang pinaalam sayo kasi wala na rin namang katuturan.
---
Nakaupo ako sa labas ng bahay nila Sam noon, di ako kumikilos. Ito yung araw na sinabi nyang tama na, na pagod na sya. Bumukas ang gate lumabas si Sam.
"Bat ka nandito?" sarkastikong tanong nya.
"Hindi ko alam," sagot ko. Hindi ko rin talaga alam kung bakit ako nandito.
"Bat di ka kela Vega pumunta?"
"Ayoko. Galit ako sa kanya e. Usapan walang bitawan."
"Ewan ko sa inyong dalawa, mababaliw ako sa inyo."
Hindi na ko sumagot.
"Nasa loob sya," mahinang sabi nya. Nilingon ko sya.
Pumasok kami sa loob. Nakaupo sa sofa si Vega, nakatakip ng trowpillow ang buong mukha nya. Lumabas ako muli ng sala.
"I hate him!!!" malakas na sigaw ni Vega, napaigtad ako ng marinig syang sumigaw. Biglang nagtayuan ang balahibo sa buong katawan ko.
"Mahal mo sya," maikling sagot ni Sam.
"Oo mahal ko sya pero di nya ko mahal!"
Napalunok ako, parang may nagbara sa lalamunan ko. Saan nya napulot yung mga salitang yun?
"Hoy baklita! Hindi ka mahal? Pano mo nasabing hindi ka nya mahal. Binigay sayo ng tao lahat."
Nakikinig lang ako.
"Hindi ko hiningi yung mga binigay nya sakin," mahina lang ang pagkakasabi nya. "Isa lang naman hiniling ko e, yung makasama sya. Yun lang gusto ko. Ayokong matulog sa gabi na di sya yung katabi ko, ayoko magising na di sya kasama. Ayoko na mag imagine, mag imagine na katabi sya, na kasama sya. Pagud na pagod na ko! Kung ganito lang pala lagi, sana pala di na ko nagboyfriend, nag imagine na lang sana ako nang nag imagine. Baka mas may napala pa ko."
Napalunok ako ulit. Ganto ba kasakit lahat Vega? Pero ginagawa ko to para satin.
"Ginagawa nya yun para sa future nyo," si Sam ang nagsabi nun para sakin.
"Ngayon wala ng future samin."
Biglang may tumusok sa dibdib ko. Wala ng future para samin.
Tumayo na ako at umalis. Ayoko ng makarinig ng kahit na ano pang sasabihin nya. Hindi nya ko maintindihan.
---
"Ayoko na," sabi ko aky Sam habang kausap sya sa kabilang linya.
"Kalahati lang yung narinig mo! Ine-expect pa rin ni Bessy na tatawagan mo sya! Na susuyuin mo sya."
"Pagod na sya, pagud na pagod pa nga yung narinig ko e."
"Para kang bata!"
"Yun yung narinig ko."
"Basta mahal ka nya. Kung ayaw mong maniwala, e di wag mo!"
Binaba na nya ang telepono.
Bakit ba ang dami ng nakikialam sa relasyon namin?
Bakit sila alam nilang mahal ako ni Vega pero ako, di ko man lang maramdaman.
---
Bakit ko iniisip na sasabihin mong "oo"? KASI sabi nila. NILA.
Hindi mo pala sinabi sakin, hindi ko rin naramdaman.
Yumuko na ko, sorry, mukhang hindi ko na rin alam kung bakit mo sasabihin ang salitang "oo".
BINABASA MO ANG
Stars in the Sky
RomanceNakipaghiwalay si Vega sa halos apat na taon na nyang seaman boyfriend na si Nigel. Tatlong taon din ang lumipas ng muli silang magkita, wedding coordinator na si Vega at sya ang mag-aasikaso ng kasal ng dating nobyo. Nasasaktan sya pero ginagawa ny...