School

1.3K 8 1
                                    

Pamilya,
pitong letra,
ngunit napakaraming memorya.
Hindi ko tinutukoy ang aking karaniwang pamilya,
ang aking tinutukoy ay ang aking pamilyang tatlong taon kong nakasama.

Sa loob ng tatlong taon,
sila ang kasama ko buong maghapon.
Masaya ako dahil nakasama ko sila sa mahabang panahon.
Kakayanin ko kaya magpaalam sakanila ngayon?

Ang unang palapag kung nasaan ang opisina,
ang opisinang kapag pinatawag ka, kakabahan ka na.
Ang opisinang papunta ka palang ay maiiyak ka na.
Ang opisinang marami rin kaming nagawang masayang mga alaala.

Pangalawang palapag ng eskwelahan,
marami rin kaming mga memorya diyan.
Takbo doon tawa diyan,
hanggang sa makita ng isang guro at mapagalitan.

Pangatlong palapag ng paaralan,
doon kami ay napuno ng pagmamahalan.
Pangatlong palapag kung saan nabuo ang masayang samahan.
Doon, kami ay nakaranas ng walang humpay na kasayahan.

Pang apat na palapag ng eskwelahan,
doon, ay maraming kalokohang naiwan.
Ang mga klase ng aming principal na madalas ay hindi na namin alam kung ano na ang pinag uusapan.
Basta kami ay nag tatawanan lang.

Lahat ng sulok ng aming paaralan ay mahalaga.
Bawat sulok nito ay may makikitang memorya.
Ang bawat palapag ng aming paaralan ay may naiwang mga halakhak at saya.
Alam naming hindi nila ito malilimutan dahil kami ay mahalaga.

Kami ay aalis,
ngunit ang mga puso namin ay sa paaralan pa rin namin nakakabit.

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon