Her

1.2K 7 0
                                    

Andami daming tao dito sa mundo.
Sa katunayan eh pitong bilyon tayo.
Pero bakit sayo?
Bakit sayo nahulog itong puso ko?
Bakit ikaw?
Bakit ikaw ang nag papasaya sakin araw araw?
Bakit naman?
Bakit kahit sayo ako sumasaya eh sayo rin ako nasasaktan?
Bakit ganun?
Bakit mahal na mahal pa rin kita kahit hindi ka sang ayon?
Bakit masaya?
Bakit masaya kahit sobrang sakit na?

Iyan lang naman yung mga tanong ko sayo.
Sa totoo lang eh hindi pa yan kumpleto.
Gusto ko pa sanang magtanong sayo,
pero baka hindi mo na masagot yung mga susunod na tanong ko.

Mahirap,
mahirap dahil ang pag-ibig ay tuluyan nang lumaganap.
Ang daming tanong sa aking isipan na hindi masagot.
At isa na doon ang tanong na "mahal mo ba ako?".

Mahirap umasa sa wala.
Araw araw tuwing gigising ako ang tanong ko sa aking sarili ay "May pag-asa kaya?".
Ngunit alam kong imposible itong mangyari.
Kung kaya't ako'y aasa nalang hanggang sa huli.

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon