Author's note: This is a true story. Some parts were imagined but majority are factual.
Anna's POV
First day of school... YEZZ first day of school today wahh so happy... gumising ako ng maaga para makapag handa. Syempre pag first day fresh looking HAHA. Pagka tapos kong maghanda, kumain ako ng breakfast para naman may energy wahuu. HALA.. natandaan ko... nag reshuffle na nga pala kame huhu kinakabahan ako ng sobra.. pano kapag, binully ako.. pano pag... pag tawanan ako..? pano pag.. AISH tama na nga yan anna.. overthinker ka talaga.
6:15 AM, umalis ako ng bahay ng maaga. Para kasi saken ayoko malate like.. titignan ka ng mga tao ganon.. eh, ayaw ko naman non.. 6:25 AM nakadating ako sa school, hinanap ko classroom namen, wow ang ganda.. ang laki. Bakit ganon? hindi ko feel na highschool student ako.. Sobrang kinakabahan ako.. Buti na lang andun na isa kong bestfriend from Grade 6. Si Yssa. Nilapitan ko siya at nagtabi kami, Andon rin isa kong kaibigan, Si Lia. Tinawag namin siya at naglibot kami sa labas.
F A S T F O R W A R D
7:30 am
Hindi kami pinaupo nun kase i-aarrange kami by class number. 6th line, 2nd row. Buti na lang, malapit saakin si Julie, isa ko pang kaibigan na matalik. Medyo natuwa naman ako sa section ko. First period namin ay math. Jusko ho, First day na first day,, Math agad? Nagulat ako. Lord. Nagpakilala ang aming guro bilang Gng. Mendoza. Muka siyang mabait para saken pero sabi samen nung mga higher batch " strict " daw oof.
RECESS
Kasabay ko sila Lia at iba ko pang mga kaibigan, Sabi sakin ni Lia.. " UY ANNA ang papi ng katabi mo " Nagtaka ako, sabi ko naman " HA SI BELLA? HINDI AH " tumawa siya at sabi " HINDI G*GO YUNG ISA PA!! " tapos sabi ko.. " aH si Frances? " kinilig si Lia at tumango tapos pinapalo palo ako. Ganon talaga mga kaibigan ko kapag kinikilig. Nung sinabe niya yun, sabi ko naman " hA HINDI KAYA PAPI MUKA NGA SIYANG WEIRD EH EMO GANON " tapos inirapan niya ako at sabi, " hay nako sis, wala kang taste " Hindi ko na siya pinake-elaman.