Forever And Always (One Shot)

131 6 4
                                    

"Maybe it's not about the happy ending. Maybe it's about the story." ctto.

-------

Nakatingin lang ako sakanya. Ang gwapo gwapo niya talaga. Kahit natutulog siya, wala pa ring kupas yung kagwapuhan niya. Kaya siguro, daming nagkakandarapa dito.

Pero wala, eh. Ako ang pinili niya. At sobrang swerte ko dahil sa dinami dami nang babaeng nabubuhay dito sa lupa, ako pa ang una niyang napansin.

 

"Tinititigan mo nanaman ako, baby. Nako, bahala ka. 'Pag ako natunaw." Sabi niya habang nakapikit pa rin.

Bwisit talaga 'tong lalaki na 'to. Nakapikit pero alam niya na tinititigan ko siya.

"Tss. Hindi kita tinititigan. Asa." Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinila at niyakap. Bale habang nakahiga kami magkayakap kami. Magkaharap.

"Kunwari ka pa. Okay lang naman, eh. Ikaw lang ang may karapatan tumitig sakin nang matagal na matagal." Ngumiti na lang ako.

Kaya ko pa kayang tingnan ka nang matagal? Mayayakap pa kaya kita nang ganitong kahigpit?

Sinubsob ko na lang yung ulo ko sa dibdib niya. At 'di ko na namalayan na may bumuhos na luha mula sa mga mata ko.

---*

"Baby. Tara dito. Upo tayo." Sabi niya tapos hinila niya ako at umupo na kaming dalawa.

"Ang kulit mo talaga, Yeol." Sabi ko sabay kinurot ko siya.

"Haha. Ang gwapo ko kasi, eh."

Umiling iling na lang ako tapos sumandal na lang ako sa balikat niya. Siya naman, niyakap ako sa balikat ko din.

"Yeol. 'Pag nawala ba ako, anong gagawin mo?"

Naramdaman ko naman na inalis niya ang yakap sakin at iniharap niya ako sakanya.

"Dara. Bakit mo sinasabi 'yan?"

"A-ano, k-kasi--."

Forever And Always (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon