#AGBGtheball
ISIAH's POV
Nasa isang room ako na pinagdalhan sa'kin ni Steven, kasama si Miyu at ang dalawang Stylist. Dala-dala din ni Miyu ang kanyang gown na susuotin sa ball.
"Nasa kabilang room lang ako," tingin sa tylist "yung sinabi ko sa inyo, I want her to be the most brilliant princess tonight."
Tumango ang dalawang stylist kay Steven. Lumabas na ito at pumunta sa kabilang kwarto. Dahil mahaba ang buhok ko ako muna ang unang inayusan ng hair stylist at si iyu naman mini-make upan na ng taga make up.
"Ang ganda ng buhok mo Ma'am, ipusod natin 'to na messy look para ma pansin ang gown, kasi maputi ka naman kaya okay lang po na makita ang likod n'yo." Ani ng Hair stylist
"Salamat." Maiksing tugon ko
Pinasuot muna niya ang gown sa'kin at subrang balloon nito, and 'pag iniikot mo pala 'to nag-iiba ang kulay. Parang may illusion pa na akala mo may natatapon na mga glitters na red and gold at sumasaboy sa hangin.
"Wow naman besssy, saan kaya binili ni Steven 'yan?" Manghang tanong ni Miyu.
"Si Monique Lhuillier po ang designer niyan, pinagawa pa ni Sir sa ibang bansa. At pinadala sa paris para sa ibang karagdagang design." Wika naman ulit ng Hair stylist.
Namangha naman kami ni Miyu, talaga bang sa ibang bansa 'to ginawa? Kaya pala napakaganda nito, off shoulder siya pero nagiging mukhang backless dahil sa parang skintone na transparent na tela sa likod para magmumukhang backless talaga.
Inaayusan na ako ng stylist, kunulot niya buhok ko at pinusod ng messy look. Pagkatapos niya ayusin ay nilagyan niya ang buhok ko ng headband na may peacock feather na kulay red.
"Wow ma'am, 'di pa kayo naka make up pero ang ganda n'yo na, para kayong si cinderella yung version ng ABS-CBN." Pagpuri sa akin ng hairstylist.
Natawa naman ako sa sinabi ng Hairstylist, at pagkatapos niya ako ayusan, si Miyu naman inayusan niya at ako ang minake-upan ng isang stylist.
"Maam ang ganda naman po nang balat n'yo." Ani ng mag mi-make up sa'kin.
"Salamat." Maiksing sagot ko sa kanya.
Sinumulan na niya akong make-upan, at 'di naman siya nahirapan sa pag mi-make up sa'kin. At makalipas nang ilang minuto ay natapos na nga, sinuot sa'kin ng Stylist ang gloves, at may sinuot pa siyang singsing sa'kin napakaganda, maliit lang ang diamond pero agaw pansin ang kinang.
At sinuot niya ang hikaw sa'kin na may tamang laki ng diamonds. Napakaganda nun at agaw pansin 'pag natatamaan ng ilaw nag-iiba ang kulay.
"Nanggaling pa ang mga ito sa Canada, pinasadya talaga ni Sir na ipagawa 'yan ma'am. 'Pag natatamaan 'yan ng ilaw nag-iiba ang kulay." Ani ng make-up artist.
"Ang swerte mo kay Sir ma'am." Dugtong naman ng Hairstylist.
Maya lang pumasok si Steven at ang gwapo niya ngayon. Siya kasi ang escort ko sa ball, at umikot siya likod ko at bigla siyang may sinuot sa'kin, isang pendant na terno ng singsing at hikaw ko.
--------------
******Sa ball ang ganda ng lahat, at nasa taas pa lang kami nakikita ko na si Storm at Vicky. Sila ang atensyon ng gabi, pero no'ng tumutok ang ilaw sa'min, napalingon sila sa gawi namin nang mapansin ang ibat-ibang ilaw gawa nang suot kong hikaw at pendant. Napahanga ang lahat habang pababa kami, dahil na rin sa kintab ng damit at shoeglass ko.
"Ang ganda ni Isiah, lalo na kasama niya ang fiance niya"
'Yan lang ang mga naririnig ko sa mga nandoon sa ball, at si Victoria na kanina ay prinsesa ng gabi, ay napatulala din samin ni Steven.
"Isiah ang ganda mo naman para kang prinsesa."
Napangiti lang ako, at nagpasalamat sa kanilang mga papuri na 'di ko naririnig noon. Ang proud na si Steven niyaya akong sumayaw. Sa gitna ng mga estudyante ay para kaming prinsesa at prinsipe. Lalo silang namangha ng itinutok sa'min ang ilaw ay pinaikot ako ni Steven. Namangha ang lahat sa iba't ibang kulay na lumalabas sa damit ko, gold and red dust.
Ito pala ang sekreto nitong damit 'pag nailawan, lumalabas ang iba't ibang kulay. Namangha din sila nang makita ang sapatos ko na isa palang glass kaya wala akong ibang narinig kundi puro papuri.
"I told you, look how they amazed your beauty Isiah, you're such a lovely beautiful princess tonight."
Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya. Nang matapos kaming sumayaw umupo na siya sa table namin, ako naman niyaya nila Miyu sa gitna, at kausap ko ang ibang students. Nang lumingon ako kausap ni Steven si Vicky.
"Well Steven"
STEVEN's POVNagulat ako nang lumapit sa'kin si Victoria, pero 'di ko nalang siya pinansin at patuloy sa panunood kay Storm sa kabilang table habang mangha na tinitingnan ang aking fiancée.
"Ang ganda nang fiancée mo ah, parang mamahalin ang damit niya."
Nilingon ko si Victoria, naaawa ako na 'di ko maintindihan, akala ko ba masaya siya sa mapapangasawa niya?
"Of course, dahil lahat 'yan sa ibang bansa ko pa pinagawa." Nakita kong nagulat siya sa nasabi ko, natawa naman ako sa itsura niya. "Her dress was designed by Monique Lhuillier, and the other design was made in Paris. The shoes were also made in Paris, and that's not just ordinary glass, but made with crystal and diamonds. She didn't know it. The necklace, earrings and ring made in Canada, is worth millions of dollars, gagawin ko lahat para sa kanya, to make her happy."
Nakita kong nagbago ang mukha niya, 'di siya halos makapaniwala kasi ang iniisip niya, mahal ko siya. Oo mahal ko siya, but she chose storm kaysa sa'kin. Baalala ko pinapili ko siya no'n, ako o si Storm, pero dahil sa kagustuhan niyang saktan ang ego ko she chose him.
"But why? Baket siya? Akala ko mahal mo ko Steven?" Tanong niya sa akin na ikinangiti ko.
"Oo, dati...pinapili kita 'di ba? Pero siya pinili mo para masaktan mo ako, at sinadya kong halikan si Isiah sa harap mo no'ng party niya. Para malaman mo ang sakit na naramdaman ko, tinanggap mo ang alok ni Storm na kasal! Kahit alam mong mahal kita at mahal siya ni Isiah... Kaya panindigan mo."
Halos mapaiyak siya sa sinabi ko. Pero ako mas pipiliin kong hayaan na lang siya, kaysa sa isipin ng tao na taksil siya kay Storm at ako kay Isiah, ayaw ko mangyari yun. Pero nagulat ako ng pinapili niya ako.
"Steven, I want to know k-kung s-sino ang mahal mo.. Mamali ka.. Ako o si Isiah?"
Tumayo ako at ngumiti, tatalikod na sana ako nang bigla akong lumingon para sagutin siya, kailangan sagutin ko siya.
"Isiah."
At iniwan ko siya na walang lingon, ni 'di ko na nakita ang reaksyon niya.
-----_---_-----_---_----_---_----_---_----_--
Sorry everyone napahaba po,
See you in episode 6

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Romance"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...