EPISODE 6 part 1 father

49 0 0
                                    

#AGBGangpagbisita

ISIAH's POV

Ramdam ko pa din ang sakit ng ulo ko. Nang magising ako kahapon, nandito na ako sa Hospital, kasama ko si Steven at Sir Sky, sila ang nagbabantay sa'kin.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ni Steven sa akin.

"Hindi pa, salamat."

Nilingon ko si Sir Sky na nakaupo at tulog, seguro pagod siya kaka bantay sa'kin. Dahandahan kong nilingon ang ulo ko pabalik kay Steven, kasi pakiramdam ko nahihilo ako.

Mayamaya lang may pumasok...si Miyu at Miss Suzie, nagising naman si Sir Sky nang may maramdamang pumasok.

"Sir, umuwi po muna kayo at magpahinga."

Lumapit naman sa'kin si Miyu pagkatapos nilapag ang mga dala niyang protas. Tumayo naman si Sir Sky, pero bago siya nakalapit sa'kin inayos muna ni Ms.Suzie ang necktie ni Sir at buhok saka yumuko. Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Ba't 'di na lang kaya sila ang magkatuluyan?

Pero bago pa ulit makalapit si Sir Sky may pumasok na lalaki, 'di ko siya agad nakilala dahil sa subrang payat At namumutla na parang may sakit. Nagulat naman ako at nagtaka ba't nandito siya.

"Isiah, uuwi muna ako nandito naman sila Suzie, sila muna bahala sa'yo." Ani ni Sir Sky saka lumapit at hinawakan ang mukha ko.

"Sabay na ako." Wika ni Steven sabay tingin sa'kin. "Babalik ako pagkatapos ko makatulog ha." Aniya sabay halik sa noo ko.

Lumabas na silang dalawa at hinatid muna sila ni Suzie sa labas. Si Miyu naman bibili daw muna ng kape bago siya lumabas yumuko muna siya sa harap ni papa ko.

"K-kumusta k-ka anak? Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo." Tanong ni papa sa akin.

'Di ko siya tinignan, naiisip ko pa din ang ginawa niya kay Mama... Sa'min. Alam ko na mahal siya ni Mama at ang Mama ko na ata ang may pinaka busilak na puso sa lahat. Dahil kahit gano'n ang ginawa ni papa, patuloy pa rin siyang minahal ni mama hanggang sa huli.

"Ano ang ginagawa n'yo dito? Ba't pa kayo nag punta dito?" Tanong kong hindi tumitingin sa kanya.

Lumapit siya sa tabi ko, pero ako 'di pa rin siya nililingon, hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko ito.

"Anak, ama mo pa rin ako, natural na mag alala ako sa'yo."

Napalingon ako sa kanya ng galit. Naalala pa nito na may anak siya? At dahil masakit ang ulo ko 'di ko magagawa ang gusto kong gawin.

"anak?" Naluluha kong tanong sa kanya. "Naalala mo yun? Samantalang sinabi mo no'n na hindi mo na ako anak! Dahil pinagpalit mo na kami! Ako! Dun sa kabet mo!" Sigaw ko sa kanya.

Di umimik si papa, umiiyak na lang siya, pero kapag naiisip ko ang mama ko, nawawalan ako ng awa sa kanya. 'Di ko maramdaman sa kanya yun dahil sa puso ko nagagalit ako, subrang nagagalit ako.

"Ang sama mong asawa at ama alam mo ba yun?" Tingin kay papa. "Alam mo ba yun ha! Dahil sa'yo namatay si mama! Dahil sa kasakiman mo! Kung 'di mo siya iniwan kasama pa natin siya ngayon!"

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon