EPISODE 6 PART 2 WELCOMEHOME

49 0 0
                                    

#AGBGFinallyhome

ISIAH's POV

Nakauwi na din ako sa isang buwan at mahigit ko sa Hospital, pati ang amoy ng hospital nadala ko na hanggang sa bahay, nanamlay pa din ako kasi ang tagal kong 'di nakasagap ng hangin na sariwa at init. Lalo akong pumuti sa kaputlaan.

"WELCOME HOME ISIAH"

Natuwa naman ako sa pa surprisa nila para sa'kin, habang tulak-tulak ako ni Steven sa wheelchair ay nilapitan ako ni Ms. Suzie at Miyu para yakapin ako.

"Salamat po sa inyo." Pasalamat ko sa dalawa.

"Okay ka na ba beshy?" 

Tumango naman ako sa tanong ni Miyu, maya lang nagpasya na silang pagsaluhan ang mga inihanda ni Ms. Katana. Ako naman dahil wala pa talagang ganang kumain nagkasya na lang akong manood sa kanila.

"Are you sure na ayaw mo pa kumain?" Tanong sa akin ni Steven.

"Oo" nakangiting wika ko kay Steven.

Sa gitna nang pagsasaya ay dumating si Storm at Victoria. Napatingin ako kay Victoria, nakataas pa ang kilay na nakatingin sa'kin parang walang balak magbago ang maldita.

"Nakauwi ka na pala?" Tanong ni Storm sa akin.

"Kanina lang."

Tumango naman siya, nagulat siya sa biglang pagpulupot ng braso ni Victoria sa kanya, at mataray na tumingin sa'kin. As if naman aagawin ko si Storm niya. Napansin niyang napailing lang ako at napapangiti.

"May problema ka ba!?"

Natigil ang lahat sa inasal ni Victoria. Napalingon sila lahat, maging si Steven na nasa gilid ko napalingon na rin sa kanya.

"Pwede ba? Tantanan mo na ang pagpapapansin sa fiance ko!" Ani Victoria.

Tatayo na sana si Steven pero pinigilan ko, kahit 'di ko kaya ay tumayo ako at inalalayan na lang ako ni Steven. Hinarap ko si Victoria at parang nandilim ang paningin ko't gusto ko siyang sipain.

"Alam mo, 'di ko kasalanan kung pinapansin ako ng fiancé mong bweset ka! Kung ayaw mo na pansinin ako ng fiancé mong maldeta ka kingina mo ka! Bulagin mo!"

Natahimik sila, 'di sila makapaniwala na masasabi ko yun, tumakbo si Miyu sa'kin kasi alam niyang galit na ako.

" 'Di mo pa ba ako nakikitang nagagalit? 'Wag mo na lang hilinging makita dahil baka 'di mo magustuhan! At inaano ba kita!?  Inaano ko ba yang fiancé mo!?" Galit ko nang wika sa kanya. "At ba't ako magpapapansin sa fiancé mo eh may fiancé ako!  'Wag mo 'ko itulad sa'yo! Akala mo 'di ko alam na inaakit mo si Steven?!" 

Namutla si Victoria sa narinig niya,  alam ko naman kasi na mahal talaga niya si Steven, at ganun din naman si Steven sa kanya ang mali lang niya sa subrang selos niya pinatulan niya si Storm.

"Maging loyal at faithful ka na lang sa fiancé mo at tantanan mo ang fiancé ko! Pwede!?" Taas kilay kong wika sa kanya. "Kung nagpunta ka dito para sirain ang kasiyahan ng mga masasayang tao dito! Kayong mga loner dapat nagmukmok na lang kayo sa unit n'yo!"

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon