EPISODE 6 PART 3 GOODBYEMIYU

53 0 0
                                    

#AGBGmiyutojapan

ISIAH's POV

Emosyonal ako ngayon dahil ngayon na ang alis ni Miyu pa Japan para mag aral ng college, hinatid namin siya sa NAIA kasama si Steven.

"Beshy mag-ingat ka dito ha, 'wag kang papaapi kay Victoria na yun."

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Miyu at niyakap ko siya. Matagal na din kaming naging magkaibigan ni Miyu, halos kapatid na ang turing namin sa isa't isa.

"Tulad nga ng sabi mo after 10 years magkita-kita tayo..." Wikang ngiti niya na naluluha. " 'Di ba?"

Natawa na lang ako, at hinagod ang buhok niya. Maya lang ay pumasok na sila Miyu sa loob, pero bumalik siya at niyakap ulit ako. Niyakap ko din siya, ngayon lang kasi kami magkakahiwalay ng matagal.

"Steven, ingatan mo siya ha, 'wag mo siyang pababayaan." Naiyaka na talaga na wika ni Miyu kay Steven.

Tumango lang si Steven at hinagod siya sa braso tanda ng pagsang-ayon. Bumalik na ulit si Miyu sa pila, kumaway lang silang mag-anak sa'kin.

"Mag-ingat ka dun ha! i-messege mo ko lagi ha!" Sigaw ko.

Napatango lang si Miyu, hanggang sa nakapasok na sila sa loob at nawala na sila sa paningin namin. Nalungkot naman ako at first time kaming magkahiwalay ng ganito ka layo, at ganun ka tagal.

"Don't worry, malapit lang naman ang Japan ei, 4 hours lang" nakangiting wika ni Steven sa akin.

"Hindi lang ako sanay talaga na mapalayo kay Miyu."

Inakbayan niya ako at umalis na kami, nagpasya kaming dalawa na mamasyal muna para maaliw naman daw ako. Pupunta kami sa oceanpark, yun kasi ang napagkasunduan naming dalawa.

Pagdating namin dun pinagkaguluhan kami ng tao, oo nga pala pariho naming nakalimutan na 'di ganun ka normal ang buhay ni Steven, bilang isang Mondroadou, he lives in society na kung saan sikat siya kahit 'di naman siya artista.

"Steven!! Ang gwapo mo naman!"

"Steven akin ka na lang!"

"Steven be mine!"

Natatawa na lang ako sa mga naririnig ko, pero dahil sa tulong ng oceanpark admins ay nag-provide sila ng safety men para sa vip's nila. Dinala kami ni Steven sa isang safe na lugar at nagpasya kaming umuwi na lang at mukhang 'di kami safe.

Nagpasalamat kami sa mga tumulong sa'min para makaalis kami sa lugar na yun, at nagpasya na kaming lisanin ang lugar.

"Kawawa ka naman pala 'di ka makapasyal sa lugar kung saan gusto mo." Wika ko kay Steven.

"May pasyalan naman ang mga famous people, yung lugar na parang walang pakialam ang mga tao sa kanila." Saad naman ni Steven na ikinagulat ko.

"Huh? Saan?"

Napalingon muna siya sa'kin, at napangiti..

"Sa Eastwood."

Ah oo naalala ko, dun yung walk of fame, at dun madalas tumatambay ang mga artista kaya sila Miyu dati nagpapakahirap pumunta dun. Malapit lang naman siya dito sa Ortigas pero pahirapan lang sa pagsakay.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon