MSH - Meet Our New Neighbor

160 15 5
                                    

Thank you po sa mga readers ng Ms. Sungit and the Heartthrobs

Pls. Vote and Comment.. kahit ano pa yung i-comment niyo ok lng po..

FB account - @Kristine Lyle

enjoy reading... medyo mahaba po yung update ko ngayon ^_^ Hope you like it.. Pls. VOTE

Alexa's POV 

Friday na ngayon kasi lumipas na ang Sunday, Monday, Tuesday, Wednesday, at Thursday kaya Friday na. Ewan ko ba dun sa bago kong school First week pa lang tapos wala agad pasok? Pero for me good thing yun kasi hindi ko makikita yung kinabibwisitan ko. Nakakainis kasi siya pagtripan ba naman ako? Ughh nakakainis talaga feeling ko tuwing nakikita ko siya magkaka world war 5. Bwisit na Ivan yun. Yup, alam ko na name niya.  Ito lang naman yung ginawa niya sakin.

*Flashback* (tuesday)

*Kring*Kring*Kring*

 Uy, Lex tara sabay na tayo pumunta ng canteen sabi sakin ni Jane

Ah sige mauna ka na ilalagay ko pa kasi sa locker ko yung iba kong gamit. Hintayin mo na lang ako dun tsaka humanap ka na rin ng table natin para hindi na tayo mahirapan sabi ko sa kaniya

Ahh, ganun ba? O sige una na ko ha? 

Oo na mauna ka na dali. Chupi chupi

Grabe ha? Pagtabuyan ba naman ako? Bahala ka na nga diyan. Hay! Ang cute talaga niya pag napipikon. Pumunta na ko sa may locker room para ilagay yung mga gamit ko mahirap kasi kung papunta kong canteen tapos ang dami kong dala diba? So iiwan ko na lang dito. Pagkatapos kong ilagay yung gamit ko dumiretso na ko sa canteen tapos bumili na ko ng pagkain. Isang spaghetti and avocado shake lang ang binili ko. Nakita ko si Jane dun sa may gilid na table.Papunta na ko dun nang biglang

*Poink* 

Aray packing tape. May tumalisod sakin eh. Yung spaghetti na binili ko? Ayun tumapon sa ulo ko tapos para akong naligo sa shake at spaghetti. Ughh! Grabe ang sama talaga niya! Sino pa ba ang gagawa sakin nito? Edi yung bwisit na Ivan na yun.

Yung mga estudyante naman na nakakita imbis na tulungan ako tumawa pa. Huhuhu ang sama nila T_T Tumayo ako tapos pinagpag ko yung sarili ko tapos humarap ako kay Ivan na hanggang ngayon tawa pa rin ng tawa. 

Hoy, ikaw bwisit na panget na lalaki ka. Bakit mo ko tinalisod? sigaw ko sa kaniya. Natigil siya sa pagtawa niya tapos biglang sumeryoso mukha niya.

Huh? Anong ginawa ko sayo? pagmamaangmaangan niya. Aba ano to? Feeling inosente?

Sino pa ba eh diba ikaw lang naman yung tumalisod sakin? Bakit kasi hinaharang harang mo yang paa mo sa daan? At isa for sure sinadya mo yun para mapahiya ako diba? naiinis ako sa kaniya gusto kong maiyak pero di ko magawa. Ayokong ipakita sa kaniya na mahina ako. 

Bakit din, kasalanan ko ba na tatanga tanga ka at hindi tumitingin sa dinadaanan mo? Alam mo naman pala na nakaharang yung paa ko eh bakit di ka umiwas? sagot niya na naiinis na din. Natahimik ako dun sa sinabi niya. Ikaw kaya ang sabihan ng tanga di ka ba masasaktan? Kung hindi edi manhid ka.

Oh, ba't natahimik ka? Bakit dahil naisip mo na tama ako? Na tanga ka dahil di ka tumitingin sa dinadaanan mo? nang-iinis na sabi niya. Tumungo na lang ako gusto ko na talaga maiyak. Grabe ang sakit niya magsalita. So ako pa talaga yung may kasalanan? 

Ano ba Ivan tumigil ka na nga. Baka nakakalimutan mo babae pa rin yan. Matuto ka naman rumespeto. sabi sa kaniya nung isa niyang kaibigan. I think his name is Vince? Kung hindi ako nagkakamali. Ah Alexa  ok ka lang ba? nag-aalalang tanong niya. Pinunasan ko yung tumulong luha ko tapos humarap ako sa kaniya then ngumiti. 

Ms. Sungit and the HeartthrobsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon