"Mahal kita"

89 1 0
                                    

" Tumatakbo ang segundo,Minuto, at ang bawat oras

marami tayong ginagawang mga bagay bagay,

dumadating ang New year, Christmas at iba pang mga kaarawan.

Pero naisip mo na ba? Pano kung mawala ang taong mahal mo?

Nasabi mo na ba?

NA MAHAL NA MAHAL MO SIYA? Nasabi mo na ba sakanya?

kung gaano siya kaimportante sa buhay mo? Kung gaano siya kahalaga,

na kung saan kapag hindi mo siya nakakasama parang hindi kumpleto ang araw mo.

parang may kulang.

Makakayanan mo ba? na gigising ka ng umaga at maiisip mo na hindi mo na siya makakausap,

mahahawakan, mahahalikan at mayayakap dahil wala na siya sa mundong ibabaw. Kung dumating ang oras na kunin na siya, nasabi mo na ba ang salitang..

MAHAL KITA.

Hindi natin alam kung ano ang mangyayare mamaya, bukas, o sa makalawa. Habang binabasa mo itong sinulat ko. Isipin mo ang taong pinakamamahal mo, tanungin mo ang sarili mo, nasabi mo na ba sa kanya na mahal mo siya? nasabi mo na ba na mahalaga siya sa buhay mo? dahil hindi natin alam ang mangyayare, ngayon kasama mo siya baka bukas hindi na. Sulitin natin ang mga pagkakataon ang mga pagkakataon na kung saan kasama pa natin ang ating mga minamahal.

Paano nalang kapag nawala siya? 

ANO ang gagawin mo?

Matatanggap mo ba na wala na siya?

Mag sisisi ka ba?

dahil hindi mo nasabi sa kanya?

Tumatakbo ang segundo,Minuto, at ang bawat oras

Nasabi mo na ba sa taong mahal mo ang salitang...

MAHAL KITA"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Mahal kita"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon