Chapter 1

10 4 4
                                    


Athena's POV

First day of school, whooooooo kaya ko to.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bungad ng school dinig ko na ang  daldalan ng mga estudyante sa loob ng campus .

"Uyy, bes kumusta Vacation mo? "Sabi nung babaeng matangkad, mukang mataray kasi naka lipstick.
"Ayun bes, nag swimming kami nang nag swimming, tignan mo bes ang itim ko na" Sabi naman nung isa pang girl
"Abcdefghijklmnopasffgjjfjs"

Di ko na naiintindihan mga pinagsasasabi nila, nubayan unang araw pa lang dami ng mga madadaldal tsk.

*BLAG*

"Ouch, sakit nun ah" sabay pulot ng bag ko.

"Tsss, stupid" sabi nung guy na nabangga ko.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko yung lalaking nakangisi na mukang walang balak  tulungan akong tumayo tss, tumayo na ako saka ko inimikan yung guy.

"Di ka man lang ba hihingi ng sorry?" Sabi ko.

"Why should I? "

"Aba!, wala naman palang modo tong lalaking to ah" pabulong kong sabi.  

"Excuse me miss? "

"Why? Dadaan ka? "

"Tss, I said what did you say? "

"Wala!! " umalis na ako dun at hindi ko na lang siya pinansin, psh masisira lang araw ko dahil sa kanya.

Dali-dali akong tumakbo papuntang gymnasium para makinig sa announcement ng principal, lunes ngayon at may Flag Ceremony, may inannounce lang na kaunti yung principal, yung mga complete uniform, pinakilala din yung mga advisers dito, etc..

Pagkatapos nung ceremony ay hinanap ko na din yung room ko.

"Asan ba tong 4-Cepheus? "

"Ahh, hi!, sa Cepheus section mo? "

Bigla na lang may sumolpot na girl sa tabi ko

"Ahh, oo eh, di ko kasi mahanap, teka dun din ba section mo ? "

"Oo"

Ang jolly naman niya...

"Kung ganon classmates pala tayo, ang galing naman" sabay nag apir kaming dalawa

"Wait, I'm Joyce" nilahad nya ang kamay nya sa'kin

"Athena,but you can call me Tintin let's go?! "

"Geh"

Hinanap namin ni Joyce yung room namin, hayy naku ang hihilig talaga ng mga teacher dito sa stars, section 1 is Cepheus, section 2 is Cassiopeia, section 3 is gemini and so on..

At nakita na namin yung room namin, malapit siya sa library, sakto oh,  malapit ang pagbabasahan ko ng libro hehehe

Pagkapasok namin ni Joyce grabe parang palengke yung room, ang ingay, parang di ako tatagal sa gantong kaingay eh psh.

"Athe---I mean Tintin, dun tayo sa may electric fan" aya sakin ni Joyce

"Sige, para malamig hehehe"

"Aray!! " may bumangga kasi sakin pag kalampas ko sa may bungad ng door

"Uy Tin okay ka lang? " si Joyce

"Okay lang ako, teka lang ah pagsasabihan ko lang yung lalaking yun"

"Go ahead girl ^_^, aja, payting! " sabi ni Joyce

"HUY!!, lalaki---ikaw nanaman? Pagka nga naman minamalas at naging classmate pa kita, psh"

"Oh ano?! "

Blue MoonWhere stories live. Discover now