Chapter 1.

187 65 60
                                    

Lexi's POV

I need to finish my work and leave early.
Tumawag kasi si Daddy kanina sa akin na ako na lang muna ang dumalaw kay Mommy kasi nasa U.S siya.
Kahit na wala siya rito pero naaalala parin niya si Mommy.
Kahit ilang taon nang namatay si Mommy pero hindi ito nakakalimot lalo na ang araw na ito.
Wedding anniversary kasi nila ngayon kaya ako ang pinapapunta ni Daddy sa puntod ni Mommy para mag-alay ng mga bulaklak sa kanya.

Mula ng namulat ako wala na akong ina nakinagisnan. Namatay daw ito ilang araw nang pinanganak niya ako.
Si Daddy lang ang nagmamahal at nagpalaki sa'kin. Mahal ko din si Dad kaya kahit ayaw kong kumuha ng kurso na gusto ni Dad para sa'kin, ay hindi ako tumanggi.
Gusto ko sana na maging doktora tulad ni Grand Ma at ni Zev na kababata ko. Pero ito ako ngayon nasa loob ng aking opisina sa kumpanya dahil sinunod ko ang gusto ni Dad.
Nung natapos ko ang aking kurso na Business management ay ako na ang namamahala sa aming kumpanya.

Nang matapos ko ang aking trabaho ay agad akong lumabas sa aking opisina at tumungo sa elevator para makababa sa ground floor kasi nasa third floor pa ang opisina ko.

Pagkabukas ng elevator dali-dali akong pumunta sa parking lot kung saan doon ko iniwan ang kotse.
Narinig ko na nag-ring ang aking cell phone sa loob ng suot kong shoulder bag.
Huminto naman ako sa paglalakad upang kunin ang phone ko sa loob ng bag.
Nakita ko sa screen ng phone ko na si Daddy ang tumatawag.

"Ahh hello Dad!" masaya kong sabi.

" hello baby!
How are you?"

"Ito Dad, naghihintay pa rin sa pagbabalik mo," medyo nagtatampong sabi ko.

"hey baby huwag kang magtampo sa akin, pangako kapagmaayos ko na ang mga problema rito, uuwi ako agad,"

"Kailan ba iyan Dad? Miss na kasi kita eh!"

"Malapit na baby, by the way nasa kumpanya ka pa ba?"

"Paalis na ako Dad, actually nasa parking lot na ako para kunin ang aking kotse at pupunta na ako sa cemetery para makadalaw kay mommy,"

"okay baby ingat ka sa pag-drive ha!"

"Yes Dad at ikumusta mo na lang ako kay Grandma ha!"

"Yeah, sure sabihin ko iyan sa kaniya. Sige na baby bye-bye na muna ha,basta I love you at miss na miss na rin kita anak!"

Nang matapos kaming mag-usap ni Daddy ay agad akong sumakay sa kotse.

Huminto ang kotse ko sa harapan ng malaking simbahan bibili kasi ako ng mga bulaklak sa suki ko na nagtitinda dito sa harap ng simbahan.
Actually malapit din dito ang cemetery kung saan na libing si Mommy.

"Hi Miss maganda!" nakangiting bati ng batang si Daisy sa akin.

"Bibili ka ba ng mga bulaklak Miss Lexi?" tanong naman ni Ella sa'kin."

Oo," sagot ko sa kanila.

"Ano pong klasing bulaklak ang bibilhin mo Miss maganda?" tanong naman ni Daisy.

"Ah, iyong puting rosas na lang iyan," sabay turo ko sa kanya sa bulaklak.

"Ang swerte na man ng iyong Mommy Miss Lexi, kasi bukod sa maganda ka na , napakabuti mo pang anak at palakaibigan pa!" papuring sambit ni Ella.

Kung titingnan mo si Ella maganda din ito.
She has long and black hair, long eyelashes and nice brown skin.
Kung bihisan siguro siya ng maayos tiyak na mapagkamalan siya na anak mayaman.

"So, I have to go girls, ito na ang bayad ko baka kasi maabotan pa ako ng ulan eh,"

"Ay naku Miss Lexi ito na ang mga bulaklak mo, salamat at huwag kayo magpagabi sa cemetery wala kang kasama doon," nag-alalang sabi ni Ella.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon