Chapter 2.

98 67 51
                                    

"How long have you been awake?" tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot nakatitig lang siya sa aking mukha.

"Ahh nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" Hindi pa rin siya nagsalita. "Ah eh, ano ang nangyari sa iyo? Pwede ko bang malaman kung sino ka?"

Wala man lang kahit ano mang reaksyon ang lalaking ito parang hangin lang ang kinakausap ko.
Hindi ba niya ako naririnig?

Bingi ba siya?

Oh, baka naman may trauma pa siya dahil sa nangyari sa kanya.

Hinayaan ko na lang siya at niligpit ko na lang ang basa kong damit na hinubad ko kanina at nilagay ko ito sa plastik.

Napalingon ako nang may bumakas ng pinto sa kuwarto at niluwal ito si Yaya at ang kasama niyang si Zev?

"Ah eh,bakit po kayo magkasama Yaya?" nagtataka kong tanong.

"Hey, are you alright?" sabay lapit ni Zev sa akin at niyakap niya ako.

"Ahh, Zev bitawan mo na ako parang hindi ako makahinga sa higpit ng yakap mo eh," nakangiti kong sabi.

Binitawan niya ako at inaabot sa akin ang isang malaking supot.

"What is this Zev?" nagtataka kong tanong.

"We met outsidekaya sinamahan ko siya para bibilin ang mga inuutos mo sa kanya," sagot naman ni Zev na nakangiti.

"Ay Ma'am, pinipilit kasi niya na siya na lang daw ang  magbitbit ng mga binili ko at sinabi ko rin sa kaniya na nandito ka sa loob ng hospital," paliwanag naman ni Yaya.

"Ay naku nakakaiya naman sa iyo Zev! Ikaw na anak ng may-ari ng hospital na ito ay tagabitbit lang ng supot na iyan!" panunukso kong sabi.

Ang pamilya ni Zev ang may pinakamalaki at kilalang hospital dito sa aming lugar.
Bukod sa malaki na, malinis at kumpleto pa ang mga kagamitan dito.

"It's OKay, kung makapagsalita ka parang iba ako sa'yo ah. Baka nakalimutan mo na noong bata pa tayo lagi kitang kinakarga sa likuran ko," natatawa niyang sabi.

Tama si Zev mula pa noong bata pa kami ay kami na ang laging naglalaro.
Siya ang aking tagapagtangol kung mayrong mang bubully sa akin.
Sa kanya din ako lumalapit kapag may problema ako at nalulungkot.

Apat silang magkakapatid, puro mga lalake at siya ang panganay sa apat sila.
Kaya din siguro malapit si Zev sa'kin dahil bukod sa magkakaibigan ang aming mga magulang ay, sabik pa siya sa kapatid na babae.

Hanggang nang pag-high school namin ay lagi pa rin kami nagsasama.
Minsan tinutukso na kami ng mga kaklase namin. Lagi rin ako mapaaway dahil sa mga umaaligid at lumalapit na mga babae kay zev.

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako tuwing nakikita ko na may kinakausap si Zev na ibang babae noon.
Minsan nagtataka na si Zev kasi hindi ko siya pinapansin dahil nagtatampo ako sa kanya na wala na mang dahilan.

Pero sadyang napakahaba ng pasensya niya at gumagawa siya ng paraan para magbati kami.
Minsan nagmamatigas ako kahit na siya na ang lumalapit sa akin, nakasimangot lang ako at nakabusangot na nakaharap sa kanya.

"Hey, Pansinin mo naman ako," tila nagmamakaawa niyang sabi.

Tinalikuran ko lang siya at naglakad palayo sa kanya.

"Hoy, sandali lang hintayin mo ako!" naghahabol niyang tawag sa akin.

Lalo ko pang binilisan ang lakad ko pero nandiyan pa rin siya sa likuran ko na sumusunod sa akin.
Hanggang sa naabutan na niya ako.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon