Isang katok ang naririnig ko sa pinto ng aking kuwarto.
Gusto ko mang buksan ang pinto pero hindi ko magawa.
Masakit ang ulo ko at ang bigat ng aking pakiramdam sa katawan.Giniginaw ako at nakatalakbong sa ilalim ng aking kumot.
Naririnig ko na lang na may bumukas sa pinto at may mga yapak na palapit sa'kin.
"Ah eh good morning po Ma'am Lexi! Handa na po ang almusal," boses ng aming katulong na si Ana.
"Wala akong ganang kumain ana, kayo na lang kumain ni Yaya Mara!" mahina kong sabi.
"Eh Ma'am wala po rito si Yaya Mara inutusan mo po siya na pumunta sa hospital,"
Nakalimutan ko pala na sinabihan ko si Yaya kagabi na siya na lang muna ang magbabantay sa lalaking istranghero sa hospital dahil may trabaho pa ako kinabukasan.
Pero sa lagay kong ito mukhang hindi na ako makapunta sa aking opisina.Pag-uwi ko kagabi mula sa hospital ay na ligo muna ako bago na tulog.
Pagod na pagod ako nang dumating dito sa aming bahay."Ah Ma'am masama ba ang pakiramdam mo't nakatalakbong ka sa kumot?"
"Oo ana nilalagnat ako at giniginaw, kaya kumuha ka ng gamot dun sa medicine cabinet at dalhan mo na rin ako ng isang basong tubig," utos ko sa kanya.
"Ay opo, opo Ma'am!" tinataranta niyang sabi!"
Pagkatapos kong uminom ng gamot ay inutusan ko si Ana na tawagan ang opisina at ipaalam na hindi ako makapasok dahil may sakit ako.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa aking buhok.Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Zev.
Nakasuot pa ito ng puting unipormi ng isang doktor."Ahh, what are you doing here Zev? namamaus kong tanong. Pero ang totoo mas gusto ko na nandito siya.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Gusto mo na bang kumain?" nag-alala at sunod-sunod niyang tanong.
"how did you know that I'm sick?" nanghihina kong sabi.
"Sinabi ni Yaya sa'kin nnang nagkita kami sa hospital kanina, na nasa trabaho ka kaya hindi ka nakasama sa kanya.
Pero nang tumawag ako sa office mo ay hindi ka raw naka-report sa kumpanya dahil masama ang pakiramdam mo, kaya pumunta na lang ako rito para matingnan ka," paliwanag ni Zev.""Talaga Zev? Tumawag ka talaga sa Office ko para mahanap mo lang ako?" iyan sana ang tanong ko sa kanya pero sa isip ko na lang iyon.
Kinuha niya ang kanyang stethoscope at thermometer at humarap sa akin na nakangiti, sinuri niya ng mabuti ang kalagayan ko.
Ewan ko kung bakit biglang gumaan ang aking pakiramdam!
Siguro dahil alam ko na nandito si Zev at sigurado na maalagaan niya ako ng mabuti.Hindi naman bago sa akin ang ginagawa niya dahil noon pa man ay lagi siya pumupunta sa bahay lalo na kung ganitong may sakit ako.
Nakatingin lang ako sa mukha niya habang abala siya sa pag-check sa akin.
Naalala ko pa noong sumama ako sa kanyang medical outreach na nasa kabundokan pa matagpuan, ang lugar na darausan namin ng kanyang panggagamot.
Maraming magsasaka ang nakatira doon at bakas sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan nang dumating kami.
Bihira lang daw kasi na may pumupunnta na Doctor sa kanilang lugar at nagbigay ng mga libringng gamot at check up para sa tulad nilang mahihirap.
Bukod kasi sa malayo ito ay ang hirap pang akyatin .
BINABASA MO ANG
Tears On The White Rose
RomanceI" can not breathe because of the smoke here inside! Ito na ba ang katapusan ko?" nahihirapan niyang sabi. Gusto niya mang makatakas pero hindi niya magawa dahil sa kadena na nakagapos sa kanya at marami ring mga pasa sa buong katawan niya. Pero kah...