Chapter 7:

85 54 24
                                    

Nagising ako nang narandaman ko ang init at sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kuwarto .

Tanghali na pala at may usapan kami ni Daddy na pupunta sa sementeryo para bisitahin si Mommy at pagkatapos magsisimba rin kami.
Hindi ako ginising ni Yaya dahil linggo ngayon at wala akong trabaho at ganoon din ang aming mga katulong dahil Day off nila tuwing linggo.

Bumangon ako at nagmadaling tumungo sa aking banyo para makaligo. Alam ko na kanina pa naghihintay si Daddy sa akin sa ibaba.

Nang matapos ko na maayos ang aking sarili ay bumaba na ako sa hagdan.
Nakasuot lang ako ng simple na navy blue na dress with white heels.
Nakalugay lang ang aking brown na buhok hanggang baiwang. Nagligay din ako ng face powder sa aking mukha at kunting lipstick sa aking mga labi.

Sa totoo lang hindi ako mahilig sa make up, gumagamit lang ako ng mga iyan kung ang pupuntahan ko ay iyong mga parties or formal occasion.
Pero kung ganitong lakad lang ay mas gusto kong powder lang ang ilalagay ko sa aking mukha at minsan kahit lipstick wala na rin, pero ayos pa rin ako tingnan dahil sabi ng iba mapula na raw ang aking mga labi kaya hindi ko na kailangan mag-lipstick pa.

Pero naglagay ako ngayon dahil parang namumutla kasi ako dahil siguro sa ilang linggo kong pagpupuyat sa trabaho.

Pagbaba ko agad ko nakita si Daddy na nakaupo sa sofa ng aming sala at parang may kausap siya sa kanyang cell phone.

"Okay i'll agree with your plan, but when do you want to start?" seryoso niyang sabi sa kanyang kausap.

Nakatayo lang ako sa gilid ng hagdan habang naghihintay at salubong ang mga kilay!

Bigla namang na-palingon si Daddy at tila nagulat siya nang makita ako na nakatayo malapit lang sa kanya.

"Ahh eh! Kanina ka pa ba diyan iha?" Tila kinakabahan niyang tanong. Sabay off ng kanyang cell phone at nilagay niya ito sa bulsa.

"Bago lang ako nakababa rito Dad!" nakasimangot kong sagot.

"Hey what's wrong? Bakit parang hindi mapinta ang mukha mo?" sabay lapit niya sa akin.

"Paano kasi Dad,kahit linggo puro trabaho pa ang inaatupag mo!" Hindi ko namalayan na may namumuo na palang mga luha sa aking mga mata. "Akala ko, sa akin ngayon ang time mo! Pero may nalalaman ka pang Business plan nagagawin."

Tumaas ang kilay niya at bahagyang na Napaawang ang labi.

"Kailan mo na naman iyon gagawin Dad? Iiwan mo na naman ba ako?" Tinalikuran ko siya at pumunta sa garahe.

Pumasok ako sa aking kotse at doon hindi ko na napigilan ang pag -iyak.
Nagtatampo ako at naiinis kay Daddy parang wala na siyang panahon sa akin.
Sa naririnig ko kanina baka aalis na naman siya dahil sa Business plan na iyon.

Ilang araw pa lang siya rito mula ng dumating galing U.S Pero ngayon tila iiwanan na naman niya ako.
Puro na lang ba negosyo ang nahalaga sa kanya? Wala na ba talaga siyang panahon sa'kin?

Bigla na lang bumukas ang pinto ng kotse at pumasok si Daddy.

Hinarap niya ako. "Please baby let me explain! Mali ang pagkakaintindi mo!"

Hindi ako tumingin sa kanya.
Yumuyuko lang ako habang mahina na humihikbi!

"hindi ako aalis, kung ano man ang naririnig mo ay hindi iyon tungkol sa ating Business!
Huwag mo na lang isipin kung ano man ang narinig mong iyon.
Basta pangako ko sa iyo kung aalis man ako siguradong kasama na kita.
Alam ko na marami akong pagkukulang sa iyo anak
Pero promise babawi ako sa'yo baby at mahal na mahal kita anak tandaan mo iyan!" puno ng sinceridad na sabi ni dad.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon