Chapter 6:

88 54 16
                                    

"ay ano ang nangyari kay inay?" umiiyak na tanong ni Daisy.

"Ahh, hali ka. Tulongan mo ako na buhatin si tita para mapahiga natin siya sa kama," utos ko kay Daisy.

Binuhat namin si tita Marie at pinahiga sa kanyang kama.
Nilagyan ko ng unan ang kanyang gilid upang makahiga siya ng maayos.

Naririnig namin na umungol siya at unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata.

"Inay, inay naririnig mo ba ako?"

"D-Daisy anak," mahina at nabubulol na sambit ni tita Maree.

Hindi na siya makasalita ng tuwid dahil sa nagka-stroke siya. Ang kalahati niyang katawan ay na paralyse.

Kumuha ako ng gamot at pinainom ito sa kanya.

"Inay, ano ba ang nangyari? Bakit ka nakadapa sa sahig?"

"Ahh, N-naririnig ko kanina ang sigaw ni May... kaya ako nagpumilit na M-makababa sa kama para S-sana tulongan si ate mo Ella." Nangilid ang luha sa kanya mga mata. "P-pero nahulog ako at B-bumagsak sa sahig!"

Niyakap namin siya ni Daisy. "Tahan na po tita! baka ano pa ang mangyari sa'yo!" nag-alala kong sabi.

"A-Ako pa ang inaalala mo? T-tingnan mo nga ang iyong sarili sa salamin? H-halos puno ng mga pasa at kamot ang mukha mo!" Napahagulhol na siya. "L-Lahat na iyan ay K-kagagawan ng anak ko!"

"Ah eh, tita ako ang may kasalanan kung bakit nagalit si May! ako po yung,"

"T-tama na Ella! Huwag mo na siyang pagtakpan." Nanginig ang katawan niya. "Marami kang hirap na naranasan dahil sa amin!
T-tinaguyod mo kami, I-inalagaan mo ako at P-pinag-aaral mo ang anak kong si Daisy."
Pero hindi ka man lang nagtira para sa iyong sarili!"

Tumulo ang luha ko. ""Hindi naman ako nagrereklamo tita ah! Masaya na ako na mapaglingkuran ko kayo dahil kayo na lang ang natira kong pamilya!"

"H-hindi mo dapat maranasan ang lahat ng hirap na ito kung, kung ang iyong,"...

Naputol ang sasabihin ni tita dahil halos hindi na ito makahinga sa subrang pag-iiyak.

Binigyan ko siya ng tubig at pinainom sa kanya. Pagkatapos ay hinayaan namin siyang makapahinga.

Lumabas na lang muna kami sa kuwarto ni tita.
Si May naman ang pinagtulungan namin ni Daisy na buhatin patungo sa amin silid.
Hangang ngayon kasi wala pa siyang malay.

Nakikita ko din na may malaki siyang bukol sa kanyang ulo.

"Ah eh, ate Ella. Magigising pa ba si ate May?" tila natatakot niyang tanong.

"Oo, naman. Humihinga pa siya." Paniniguradong sagot ko sa kanya. "Bumili ka muna ng yelo doon para malagay ko sa kanyang bukol."

"Pero paano ka naman ate? Kailangan mo rin na gamutin ang iyong mga sugat at pasa."

"Mamaya na ako. Kaya ko pa ang aking sarili." Lumabi ako. "Uunahin muna natin si ate mo, baka kasi ano na ang mangyari sa kanya!"

Nang makabalik na si Daisy at may dalang yelo, agad ko itong niligay sa malinis na towel at saka ko niligay ito sa bukol ni May.
Pinunasan ko rin ang buong katawan ni May at binihisan siya ng malinis na damit.
Para kasing hindi siya nakapagpalit ng kanyang damit ng ilang araw na.
Na amoy ko rin ang alak sa katawan niya, sigurado ako na lasing siya.

Pagkatapos naming magligpit ni Daisy ng mga kalat na hinagis ni May kanina. Nagpaalam siya sa'kin na pupunta sa kanilang paaralan para makapagtanong kung pwede pa siya makakuha ng special exam.
Hindi na kasi siya nakakuha ng exam dahil sa nangyari rito sa bahay.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon