Amethyst's
"Parang awa mo na Zoella, wag mo sasabihin kay aisla." halos lumuhod na ako sa harap nitong babaeng ito ngayon.
Kung di halata, pinipilit ko siya ngayon na wag sabihin kay aisla na kasal na ako kay taehyung kasi nga diba?
Yun nangyari sa last chapter.
"Juice ko naman kasi girl! Paano nalang kapag nalaman niya ito? Fan na fan pa naman siya ng bts, sira ulo 'kang gagita ka!"
"Eh malay ko 'bang member ng bangtan yung unggoy na iyon! Please, wag mo sabihin sakanya. Ako ang magsa-sabi sakanya sa tamang panahon."
Halos mapisil ko na ng todo yung braso ni zoella at halos mawalan na ng dugo yung braso niya kaka-diin ko ng hawak sakanya.
Halah bahala siya dyan.
"Oo na! Tama na nakaka-sakit ka na eh!"
"Talaga?!"
"Tangina mo di mo tatanggalin kamay mo?"
"Ay sorry."
Niyakap ko naman siya ngayon ng pagka-higpit higpit. Uwian naman na eh, walang tao sa room. Pati si Aisla umuwi na, sinabihan ko kasi ng panget. Dinondib niya naman. Ganon siya ka-fragile. Kaya nga nakaka-takot nalang kapag nalaman niya kasi baka mag friendship over kami neto.
"Basta girl, reto ka sakin ng isa ha!" biglang sabi nito na halos himatayin na sa kilig.
"Oh sige, sino gusto mo?" naks, kapal ng mukha ko, kala mo naman ka-close ko members nila.
"Pwedeng si Suga. or si Jin! hihi."
"Sige, pag ka-close ko na sila. Basta ba't wag mo sasabihin kay aisla. deal?"
"Sige deal!"
.
Naka-uwi na din ako sa condo galing sa bwisit na traffic na iyan. Grabe, halos magkanda-leche leche na ako sa sasakyan kanina, atat na atat na akong maka-uwi mga sabog. Kayo kaya, ma-traffic ng ganon ka-tagal? Tignan nalang natin kung di niyo ma-miss makipag usap sa kahit na sinong tao.
"Hou panget, naka-uwi na ako!"
Alam 'kong nasa kwarto siya kasi naka-bukas ang ilaw doon.
"Hoy! anong gusto 'mong lutuin ko?"
Nag-hintay ako ng sagot niya pero grabe ang tamad sumagot. Pag ako na-bwisit sakanya, hindi ko na siya lulutuan, makikita niya.
Pinuntahan ko siya sa kwarto para tignan kung ano ang pinagkaka-abalahan niya— may kausap lang pala sa phone puta.
"Really, noona?! How long are you going to stay here?!" nadama niyo iyon? yung excitement niya sa kausap niya.
Tse wala akong pake sa kausap niya.
Pumunta ako sa walk in closet namin at nag-bihis ng short at sando. Oo walk-in closet, mainggit nanaman kayo. Pag-labas ko kausap niya pa din yung kausap niya sa phone. Aba malamang, hindi naman ako matagal mag-bihis ano.