Siguro, palagi kading inuutusan, pinapagalitan at pinaghihigpitan kagaya ko. Siguro madalas kaden paluin at disiplinahen, paluhurin sa asin. Nasasaktan ka, nagtatampo ka dahil sa mga ginagawa nilang ito.
Pakiramdam mo siguro, hindi ka nila mahal? Bakit kaya nila ako sinasaktan? Bakit kailangan nil akong sigawan? "Gusto ko nang mag bulakbol", ito siguro nasa isip mo.
Ganto kaba? Kinakamuhian mo ba sila? Nagagalit kaba?
Kapatid, buti kapa. Buti kapa may nanay kang pumapalo sayo, may tatay kang nag hihigpit sa iyo. Buti kapa, may sisigaw sayo sa umaga para mag hugas ka, buti kapa, may papalo sa pwet mo kapag hindi ka kumain.
Sana, ako, isang araw, maranasan ko din yang mga nararanasan mo, o kaya, saakin nalang yung nanay mo o yung tatay mong pinagtatabuyan mo dahil hindi mabigay mga luho mo. Kung hindi mo ineenjoy lahat to, sana saakin nalang nangyayari. Kase ako? Hindi ko na nararanasan to, nakalimutan ko na kung anong pakiramdam na may magulang na nag mamahal sayo, na kumpleto pa kayo, yung maingay pa tuwing pag gising hanggang pag tulog ko.
Wag kang magagalit sakanila, hindi na sila bumabata, dahil dadating yung araw na wala na sila at pag sisisihan mo yung mga oras na sanay nilaan mo kasama sila imbes na nag bubulakbol ka.
Mahalin mo sila, dahil mahal kadin nila sa paraang hindi mo naiintindihan, dahil bata kapa.