— Elizza —
“Anak, puwede ka ba naming puntahan diyan?” tanong ni Papa habang kausap ko siya sa phone call. “Miss ka na namin at nag-aalala kami sa 'yo diyan.”
Ngumisi ako. “Miss ko na rin kayo ni mama, 'pa. Sorry po pero mas maganda po sigurong huwag n'yo muna akong dalawin dahil baka masundan kayo ni Waves. Huwag na rin po kayong mag-alala, binibigyan naman po ako ng tulong ni Tito Wayne at mababait po ang mga kapitbahay ko.”
Napalingon sa 'kin ang mga taong kasama ko ngayon dito sa bahay. Sina Ate Tessa at anak niyang panaganay, si Aling Delia, at Jasmine. Sila ang mga kapitbahay ko rito. Lahat sila ay mababait at kaibigan ko na rin. Nagngitian kaming lahat. Nandito sila sa bahay para samahan ako at makipagkwentuhan. Nag-e-enjoy naman ako kaninang kausap sila bago tumawag si Papa.
“Sigurado ka ba? Syempre 'di pa rin namin maiiiwasang mag-alala lalo na't wala na nga si Azzile dito' pati ba naman ikaw.”
Napayuko na lang ako sa sinabi ni Papa. Isang buwan na kasi ang nakalilipas simula noong lumipat ako at hindi pa rin nila ako nadadalaw rito dahil pinipigilan ko sila.
“Sana makita namin ang apo namin, anak.” Si mama na 'yung nagsalita. Ako naman ay napatango-tango at ngumiti.
“Opo, mama. Makikita n'yo ang apo n'yo.”
“Sige, ha. Mag-iinagt ka diyan,” bilin niya. “Ay anak, natanggap mo na ba 'yung sulat?” biglang tanong niya na ikinataas ng dalawang kilay ko.
“Sulat? Anong sulat?”
Wala naman akong natatanggap na sulat. Tsaka kanino naman manggagaling 'yon? Seriously, letter talaga?
“Sulat galing kay Waves 'yon. Noong nakaraang linggo pa 'yon.”
Napanganga ako at kumurap-kurap.
Sulat galing kay Waves? Seryoso ba?
“B-Bakit naman po siya sumulat?” nauutal pang tanong ko.
“Dumaan siya rito noong nakaraang linggo. Ang sabi niya, baka raw puwede naming ipadala sa 'yo ang sulat na 'yon. Wala naman daw kasi siyang contact sa 'yo kaya ayun na lang.” Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Mama. Napatingin na lang ako sa labas ng bahay. “Tinanong ko nga kung bakit 'di niya na kami pinipilit na sabihin kung nasaan ka. Ang sagot niya'y ayos lang daw, hihintayin ka na lang daw niya.”
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang malapad na pagngiti. Natutuwa naman ang puso kong malaman na ayos na siya, na naiintindihan na niya.
“B-Buti naman po kung gano'n.”
“Oo, anak. Umaasa raw siya na babalik ka talaga kaya hihintayin ka niya.”
Habang nagsasalita si Mama ay may nag-doorbell dito sa bahay. Naglakad ako papuntang bintana at sinilip kung sino 'yon.
Nalaman ko agad na isang kartero 'yon dahil sa mga hawak niyang sobre ng sulat.
“’Ma, mukhang nandito na. Sige na po, bye muna,” paalam ko at binuksan na ang pinto.
“Gano'n ba, 'nak. Sige, mamaya na lang.”
Nang matapos na ang tawag, nilapitan ko ang kartero.
“Magandang umaga, ma'am. Sulat po para kay Mrs. Elizza Laserna,” sabi niya at itinaas ang isang sobre.
“Ako po 'yon,” sagot ko na ikinatango niya at inabot na sa 'kin 'yon. “Salamat po."
Matapos kong matanggap ang sulat ay bumalik na ako sa loob ng bahay. Nakiusisa agad sa 'kin ang mga kasama ko.
“Oh, sulat ba 'yan, Elizza?” tanong ni Jasmine na ikinatango ko. “Wow naman, hanggang ngayon talaga uso pa rin 'yan, 'no?”
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
Любовные романыCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...