Once upon a time, we were just strangers - strangers who seem to be destined for each other.
So eto na ngaaaa. Noong unang panahon... hahaha joke.
On the first monday morning of my freshman days, nagmamadali akong naglalakad sa hallway ng school...
"Aray!" Ano ba yan, sino ba 'tong lalaking 'to, nakita nang nagmamadali ako dito eh, di pa umiwas sa dadaanan ko!
"Sa susunod kasi, wag kang masyadong mabilis maglakad. Daig mo pa si flash eh." Sabay wink nya sakin. Pacute.
Kinuha nya ang mga nahulog kong libro at clearbook sabay iniabot sakin. In fairness, kahit pacute tong mokong na 'to, kinilig ako ng bonggacious sa ginawa nyang 'to. "Dadalhin ko na 'to ha. Baka mahirapan ka pa." Sa bilis nyang kinuha yung mga gamit ko, hindi na ko naka protesta pa. As in emeged, ang sweet nya ha?
Inihatid nya ako hanggang sa classroom ko, sa room 7- A.
"O, di ka pa ba pupunta sa classroom mo?"
"Di na kailangan."
"At bakit naman, ha?"
"Nandito na naman ako sa room ko eh. Hahahahahaha!" Wooooow, tawa tayo. Ang corny. Nafifeel ko na kanina pa eh, na wala tong magawa sa buhay kundi mamilosopo ng tao.
"Ha-ha-ha. Tawaaaaa" Pagjojoke ko sa kanya. At dahil naasar ako, pumunta na lang ako sa upuan ko at nagbasa basa ng mga notes ko pa nung Grade 6. Malay mo, gamitin namin. Sipag ko no? :D
Maya maya, dumating na ang teacher namin. Sya si Ms. Kristel Marasigan. Dyosa sa ganda! Mala- Kim Chiu! <3
"Good morning class. I am Ms. Kristel Elizalde Marasigan, and I will be your adviser this school year." Maya maya, napatingin sya dun sa mokong na nakabunggo sakin kanina... na katabi ko na pala! Teka, sino ba talaga si flash? Ako o siya? Ambilis lumipat ng upuan eh!
"Ooohh, look who's here! How are you Mr. Elizalde? Or maybe I should call you my little cousin Jason?" Abaaaaa, Jason Elizalde pala pangalan neto.
"Ate Kris naman eh." Sabay kamot nya ng ulo. Hahahaha!
Nang magsimulang magsulat si Ms. Marasigan sa board, siniko ko si Jason. "Hindi ka man lang nagpakilala sakin kanina. Kung di lang binuking ni Ms. yung pangalan mo, di ko malalaman."
"O eto na po, magpapakilala na." Sabay ayos nya ng uniform na para bang magiispeech sya sa harap ng buong Pilipinas. "Ako nga pala si Jason Arvin M. Elizalde, Jason na lang. ;)" Ang cute nya pala? Hahahahaha! "Ikaw, an-" Biglang nag ring ang bell. Recess na, kailangan na naming bumaba ng canteen.
After 12345678 years ng pagkaklase, na parang orientation din lang kasi first day of school, nag uwian din kami. Half day lang kasi kami eh. Palabas na ko ng classroom nang biglang may sumigaw, "Hoy flash!"
"O Jason! Nakakagulat naman to eh. Bakit?"
"Nagpakilala na ako. Dapat ikaw naman! Anong pangalan mo?"
"Secret! Sa ngayon, ako muna si flash." Sabay labas ko ng classroom, iniiwang puno ng tanong ang utak ni Jason kung anong pangalan ko.