EPISODE 6 PART 4 I ASK HIM WHY?

52 0 0
                                    

#AGBGIaskhimwhy

ISIAH's POV


Mag-iisang buwan na din simula no'ng umalis si Miyu, at nalungkot ako sa pag-alis niya, habang abala ako sa pag-aayos ng kwarto ko ay biglang tumunog ang messenger ko sa laptop ko.

Dali akong tumakbo, aba si Miyu nag video call sa'kin, dali-dali kong sinagot ang tawag niya. Nang lumabas na ang video niya nakikita kong kausap pa niya Mama niya sa pinto kaya 'di muna ako umimik, nang matapos siya makipag-usap ay humarap na siya sakin.

"Hi best! Genkidesu ka?"

Halos sabay naming bati na ang ibig sabihin ay 'How are you. Tinanong ko uli't siya kung kumusta na siya at sabi naman niya ay okay lang siya. Mukhang masaya naman siya at 'di nahirapan mag-adjust kasi fluent naman siya sa nihonggo.

"besshy kumusta ka na ba diyan? Kahit one month pa lang tayong 'di nagkikita na mimiss na kita." Ani Miyu na nag pout lips pa.

"Okay naman ako beshy, ito nag-aayos ng mga gamit ko, 'di ba bukas aalis kami para sa kasal ni Storm."

"Ay oo nga pala noh, bukas na yun." Wika naman ni Miyu.

Kahit madami akong ginagawa 'di pa rin kami nahinto sa pag-uusap ni Miyu, madami siyang mga kinuwento sa'kin sa naging one month niya sa Japan.

"Nga pala beshy kumusta na yung bruha nating ex-friend? Kanojo wa mada majodesu ka? (Witch pa rin ba siya?)

Si Victoria seguro ang tinutukoy niya, ano nga ba ang nagbago sa babaeng yun? Parang wala naman? As usual para namang 'di nagbabago. Umupo muna ako nang ayos at humarap sa kanya. Pero natawa muna ako sa huling sinabi ni Miyu.

"Actually ganun pa din siya, suplada pa din... At panay buntot dun sa fiancé niya... And hmmm...Hai, kanojo wa mada majodesu, soshite kanojo wa sarani waruidesu." (Oo, witch pa rin siya, at mas malala pa.) Ani ko sabay kamot sa batok ko.

"Eh ikaw? Kumusta naman ang puso mo ngayon? Lalo na bukas ikakasal na siya." Tanong ni Miyu sa  akin.

Actually, 'di ko ma-explain, madaming nangyari makalipas ang isang buwan, 'yon 'yong mga araw na 'di ko makalimutan, yung araw na nagpakatanga ako, bagay na dapat sana 'di ko ginawa, 'yong dapat pinag-isipan ko, kasi sa huli ako din nasaktan.

----_-----FLASHBACK----_-----


"I'm sorry kung na abala kita...  Ahmm k-kasi m-may gusto lang akong linawin..." Ani ko sabay kamot sa batok. "May gusto lang akong linawin, I mean itatanong."

No'ng araw na yun 'di ko alam kung pa'no ako magtatanong, o kung pano ko ide-deliver ng maayos ang words na 'di ako magmumukhang tanga, o magmumukhang disperada, pero 'di ko na inisip, dahil gusto ko malaman bago siya ikasal kung ano ang totoo.

Bagamat nang mga oras na 'yun nalilito siya ba't kami nandito, o ba't  kami nag-uusap ngayon, lalo na't abala sila sa magaganap na kasal.

"Storm, g-gusto ko lang malaman kung mahal mo ba talaga si Victoria?"

Nangunot ang noo niya, pero nawala din nang makita niyang parang maiiyak na ako.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon