EPISODE 6 PART 5 THE SECRET

55 0 0
                                    

#AGBGsecret

"What!?"

"Uyyyy best 'wag ka nga maingay!"

-----------------
********


ISIAH's POV


Para akong tanga nang takpan ko ang bibig ni Miyu, saka ko lang na realized na nag cha-chat pala kami, nagulat siya sa nalaman niya, oo shinare ko po sa kanya, total best friend ko naman siya and I trust her.

"Bessy naman," kamot sa batok "Baket? B-aket ka naging... Alam mo na...ano na ngayon gagawin mo?"  Tanong ni Miyu sa akin.

" 'Di ko alam bessy, nahihiya akong magpatingin, at baka 'pag nalaman nila Sir Sky palayasin ako." Ani ko kay Miyu.

Namomroblema din si Miyu sa binalita ko, alalang-alala siya sa'kin, sa katunayan gusto ko ng aminin kay Steven.

"Bessy, sabihin mo na kay papa Steven, alam mong wala ako diyan at siya lang ang makakaunawa sa'yo, pa'no 'yan mamaya ikakasal na sila?"  Ani Miyu.

"Hindi ko alam Miyu kung pa'no ko sasabihin." Malungkot kong wika kay Miyu.

Nagulat ako nang biglang nanlaki ang mata ni Miyu, pero 'di ko muna siya pinansin, panay pa rin ang pag-iisip ko. Napansin kong 'di na umiimik si Miyu at nanlalaki lang ang mata niyang nakatingin sa likod ko. Kaya napatingin na lang din ako sa likod ko at napatayo ako sa gulat.

"S-Steven?"

Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin, naghihintay ng sasabihin ko o paliwanang ko... Pero teka.. Narinig ba niya ang pinag- uusapan namin ni Miyu?

"Ano ang kelangan mong sabihin sa'kin? May dapat ba akong malaman?" Aniya.

Nanlaki ang mata ko, pa'no ko sasabihin sa kanya, Diyos ko po Lord, please help me po. Sa kaba ko nakalimutan ko na si Miyu na kausap ko pala. Nanghina ang tuhod ko at napaupo ako. Lumapit si Steven, lumuhod siya sa harap ko at hinawakan niya ang kamay ko na kasing lamig na ng yelo.

"Beshy mukhang kailangan ko muna mag-out, para makapag-usap kayo."

Nilingon ko si Miyu na para bang sinasabi ko na 'wag, kasi baka magalit sakin si Steven.

"No, diyan ka lang beshie 'wag ka mag out... Please..."

Sa kagustuhan kong 'wag siyang mag-out atnanatili nga si Miyu na online, pero 'di siya umiimik nag-aantay lang din ng sasabihin ko.

"Tell me, whats wrong? 'Wag ka matakot, I am your friend... And trust me."

Napaiyak na ako nang marinig ko ang sinabi ni Steven, oo nga naman ba't 'di ko siya pagtitiwalaan, mahalaga din siya sa'kin, at isa siya sa mga sandalan ko tuwing mahina ako, at isa sa nagpapalakas sa'kin.

"Please ipangako mo na uunawain mo ko sa abot nang makakaya mo." Ani ko sa kanya na ikinatango niya.

"I will, so tell me." Nakangiting wika niya.

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon